HETO na naman…
Nakarinig na naman tayo ng awtoridad na nanghihiram ng tapang sa baril.
Isang police superintendent na naungusan lang ng bikers asap mo e mauubusan ng kalsada.
Mismong anak ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na si Kim Atienza ang nakaranas ng angas ng isang police colonel na mukhang nanghihiram lang ng tapang sa kanyang baril.
Bilang magulang, nag-alala si Congressman Lito Atienza na ‘hairline’ na lang ang pagitan ay puwede nang barilin ng nasabing police official ang kanyang anak at ang mga kasamang bikers at para i-justify ang kanyang pamamaril, tataniman na lang niya ng droga at baril ang bangkay ng tatlo.
Ang insidenteng ito ay nangyari, two weeks ago. Habang nagbibisikleta sina Kim Atienza at ang dalawa niyang kasama sa isang kalsada sa Sta. Rosa, Laguna bigla ngang huminto sa harap nila ang sasakyan ng nasabing police colonel at isa-isa silang tinutukan ng baril sa mukha.
“My son Kim, and his group. They were just cycling and exercising along the highways of Laguna, biglang may umovertake na kotse, galit na galit. Binabaan sila tinutukan ng baril sa mukha lahat,” ani Rep. Atienza.
Ang suspetsa ng grupo ni Kim, nagalit ang police colonel nang malampasan nila. Kasi nga nagba-bike sila. Kaya nang abutan sila, sinabihan sila na, “Ang yayabang ninyo!”
Nagalit siguro si police colonel, kasi baka maubusan siya ng kalsada?!
Hik hik hik!
‘Yan ang hirap sa ibang lespu na gaya nitong si police colonel.
Komo may giyera kontra ilegal na droga na isinusulong ang Pangulo, ginagamit na nila sa paninindak kahit sa mga pangkaraniwang mamamayan na hindi nila kursunada.
Sonabagan!!!
Anyway, dapat sigurong kilalanin na kung sino ang police colonel na ‘yan na ginagamit ang kanyang baril sa paninindak ng mga sibilyan.
PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, pakisudsod nga ninyo ‘yang police colonel na ‘yan na nagtatago sa likod ng gatilyo at bunganga ng kanyang baril?!
Baka kapag kailangan na niyang iputok ‘yan ‘e biglang kumalambre ang kanyang daliri at mag-backfire pa sa kanya?!
Uulitin lang po ng inyong lingkod, ang tunay na matapang hindi kailangang umamoy ng pulbura bago makatindig nang tama.
‘Yun lang po.
IO JAY MERCADO
AROGANTE AT BASTOS
SA NAIA T2
HINDI natin alam kung labis bang apektado ng kawalan ng overtime pay itong si Immigration Officer Jayson Mercado na nakatalaga riyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) T2 o talagang wala siyang manners at hindi naiintindihan na ang airport passengers ay clientele nila na dapat pagsilbihan at hindi tila mga alipin nilang sinisigaw-sigawan.
Ganito kasi ang naranasan ng isang naka-wheelchair na passenger kay Mercado nitong nakaraang Biyernes.
Supposedly, ang isang wheelchair-passenger ay entitled for one companion. At dahil regular traveller naman ang nasabing wheelchair-passenger, she’s always aware of what are her rights.
Sa madaling sabi, habang tulak ng porter ang wheelchair-passenger at kasama ang boyfriend niya ay nagulat sila at napahiya sa inasal ni Immigration Officer Mercado.
Sukat ba namang sigawan ang kanyang kaibigan at saka pinaalis at pinalipat sa pilang kayhaba-haba ni IO Mercado?!
Sonabagan!
Akala yata ni Mercado, komo naka-wheelchair e baldado ang pasahero and considering na iniisip niyang baldado ang wheelchair-passenger hindi ba’t dapat na maging maayos ang kortesiya niya?
Immigration Port Division chief Marc Red Mariñas Sir, ganyang training ba ang pinagdaanan nitong si Mercado para manalbahe ng mga pasaherong naka-wheelchair?
Over sa overacting ha?!
Alam niyang, kailangan ng alalay ng wheelchair-passenger tapos bigla niyang tatanggalan ng companion?!
Pati ang nakasunod sa pila na ibang pasahero ay nakatikim rin ng kabastusan nitong si Mercado!
Tama ba ‘yun, BI Comm. Jaime Morente!?
IO Mercado, grabe pala ang pagka-power tripper mo?! Sukat hugutin mo sa kanyang pila at saka ‘ibinalibag’ doon sa malayo at mahabang pila?
Hindi kaya nagmukha kang heartless na, ruthless pa, IO Jay Mercado? O baka naman may mga hugot kang hindi mahugot-hugot?
Affected ka ba, dahil wala kayong overtime pay? O kaya naman ay sobrang bait ang hepe ninyo sa inyo kaya humahaba na ang mga sungay at buntot ninyo sa airport!?
Anyway, makikibalita na lang po ako kung anong ‘disiplina’ ang ipapataw sa iyo ni Sir Marc Red Mariñas…
Pakibalitaan lang po kami!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap