WHAT’S in a name?Jake Zyrus! Ang pangalang ibinulong ng puso niya nang madesisyonang mula sa pagiging isang Charice Pempengco eh, maging lalaki na ang buong pagkatao.
Ibinahagi rin niya sa MMK ang istorya ng buhay niya na ang intensiyon naman niya eh, hindi para manira o siraan ang mismong pamilya niya kundi ang magsilbi siyang inspirasyon sa mga lesbiyanang naghahanap ng paraan para makatakas sa isang aninong hindi na nila kayang sakyan at tanggapin.
Ang kanyang Mommy Raquel ang unang tumuligsa sa palabas. Pero nakatuon ang pansin ni Jake sa pagdating ng panahong maaayos din ang lahat. Dahil ngayon, ang Lola niyang nagalit din sa kanya noon ang isa na sa sumusuporta sa kanya at nagpapakita ng ibayong pag-intindi. Mas sa kinakabahan, excited nga si Jake sa kauna-unahan niyang concert na magaganap sa Music Museum sa October 6, na ididirehe ni Calvin Neria, ang I Am Jake Zyrus!
“Excited ako sa duet namin ni Charice! Doble-kara ‘ata ang peg pero how direk Calvin will do it eh, ‘yun ang kaabang-abang.”
Natanong si Jake kung ano na ba ang mga hindi niya nami-miss sa pagiging Charice?
“’Yung Glam Team. Ang daming tao sa palibot ko. Gagawin ang buhok ko, ang daming kamay. Manicure, ang daming gagawa. Sabi ko, kaya ko na. Kaya rin siguro ang dating ko niyon sa tao, ‘am always grumpy. Mataray, suplada! Kaya noon, bago ako lumabas ng bahay namimili pa ako kung ano ako for that day.”
Pero ngayon, inspirado na nga siya sa kanyang Shaira Aquino.
“Hindi naman namin itatago. Wala namang dapat na itago pa. Pero ‘y ung mga detalye at personal ng bagay, ‘yun ang gusto naming manatiling pribado pa rin.”
Ang ganda ng naging dating ni Jake sa media sa presscon ng kanyang concert na hatid ng Echo Jham Entertainment Production at The Mad Union Entertainment Production.
Sabi rin ni Jake, mas masaya na siya sa Team Jake niya ngayon dahil kahit ano pa ang mangyari sigurado na siya na sa mayroon o wala eh, hindi na siya iiwan at pababayaan ng mga ito!
Sina Klarisse de Guzman, Young JV, at KZ Tandingan ang special guests niya with musical director of great names like Ariana Grande, Stevie Wonder and David Foster na si Troy Laureta.
Mapakikinggan na rin ang kanyang huling single na Hiling (Star Music).
Nagpaalis na ng dibdib si Charice para maging Jake. Ang huling hirit ko sa kanya eh, kung plano rin ba niyang magpakabit naman ng ari para maging Jake ng tuluyan at mawala ng talaga si Charice!
Oo naman. Pinag-iisipan niya. Sa tamang panahon. Dahil nagtatanong-tanong na rin siya sa pros and cons nito.
Wala na ngang itinatago pa si Jake! So free as a bird.
Wait for the birdie!
John, ipakikita ang
tatag ng kalooban
#MMKHopeForMarawi
Naging saksi tayo sa digmaang hanggang ngayon ay nagaganap pa rin sa Marawi na marami sa ating mga kababayan ay naiipit.
Ngayong Sabado (Setyembre 9), ang kuwentong ibabahagi ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ay tungkol sa kuwento ng pamilya ni Loloy, na gagampanan ng mahusay na aktor na si John Estrada.
Kasama ang kanyang pamilya, tiniis ni Loloy na makulong sa isang basement sa loob ng mahigit na 10 araw. Habang may labanan sa labas, sinubok din ang tatag ng kalooban ni Loloy para protektahan ang kanyang mga mahal sa buhay at kababayan.
Isang kuwento ng pamilya na puno ng pag-asa ang ihahatid sa atin ng longest-running na drama anthology sa ika-25 taon ng selebrasyon nito.
HARDTALK
ni Pilar Mateo