Tuesday , December 24 2024

Panalangin sa Eid al-Adha: Gulo sa Marawi matapos nawa

KATAPUSAN ng gulo sa Marawi ang panalangin ng mga Muslim sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa kanilang pagdiriwang ng Eid al-Adha o Feast of the Sacrifice, kahapon.

Sa Marawi, sa kabila nang patuloy na bakbakan, nagdaos ng morning prayer ang mga Muslim at evacuees sa Capitol compound at sa oval ng Mindanao State University.

Ayon sa evacuees, tinitingnan nila ang mga pangyayari bilang pagkakataon na magkaroon ng mas maraming kaibigan.

Sa Maynila, nanawagan si Manila Golden Mosque Administrator Hajji Mohammad Ersad Malli sa Maute group na tumigil na sa panggugulo dahil taliwas ito sa mga turo ng Islam.

Sinangayonan ito ni Imam Abedin Hashim na nagbigay ng sermon sa mahigit 2,000 Muslim na nagtipon-tipon sa Quezon City Circle.

Kinondena ni Hashim ang panggugulo ng mga teroristang Maute sa Marawi.

Samantala, daan-daang Muslim ang dumalo sa idinaos na morning prayer sa Blue Masjid sa Maharlika Village sa Taguig.

Kapayapaan din ang tema ng mensahe ng khatib sa Blue Masjid.

Bilang bahagi ng morning prayers, hinihikayat ang mga Muslim na makisabay sa pag-awit ng takbir, isang dasal na nagbibigay-puri kay Allah at nagpapahayag ng ibinigay niyang tagumpay sa pangunahing propeta ng Islam na si Mohammad.

Kabilang sa mga kaugalian tuwing Eid ang pagbibigay-tulong sa mga kapatid na Muslim na nangangailangan at pagkatay ng mga hayop para sa pagsasalo.

Ang Eid al-Adha ang ika-10 araw sa buwan ng hajj.

Sa panahong ito hinihimok ang mga Muslim na maglakbay tungo sa Mecca upang gunitain ang sakripisyo ni Abraham kay Allah.

Isa ang Eid al-Adha sa dalawang mahalagang pista ng mga Muslim bukod sa Eid al-Fitr.

Sa bisperas
ng Eid al-Adha
3 SUNDALO,
5 MAUTE PATAY
SA SAGUPAAN

PATAY ang tatlong sundalo at limang Maute fighters sa sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at ISIS-inspired terror group sa Marawi City sa bisperas ng Eid al-Adha, ayon sa ulat ng military spokesperson, nitong Biyernes.

Dagdag ni Armed Forces spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, Jr., 52 sundalo at hindi mabilang na miyembro ng Maute ang sugatan.

“The clashes yesterday (Thursday) have proven to be one of the bloodiest. There were three killed and 52 wounded (on the government side)” ayon kay Padilla.

“Kahapon buong araw, (ito ang) pinaka-mabigat at madugong araw sa mga bakbakan nitong mga nakaraang linggo,” dagdag niya. Aniya, karamihan sa mga sugatan ay napinsala ng pinasabog na improvised explosive device.

Ayon kay Padilla, patuloy ang opensiba ng mga tropa ng gobyerno laban sa teroristang grupo.

“‘Yung offensive natin ay patuloy at ito ang nagiging dahilan ng mga nangyayaring ito,” aniya.

Sinisikap aniya ng kanilang puwersa na i-clear ang nalalabing erya na hawak ng mga rebelde.

Hanggang nitong 31 Agosto, umabot sa 136 sundalo ang napatay sa pakikipagsagupa sa mga rebelde sa Marawi. Habang 620 Maute-ISIS fighters ang napatay.

Sinabi ni Padilla, itinigil ng mga tropa ng gobyerno ang operasyon nitong madaling-araw ng Biyernes bilang respeto sa pagdiriwang ng Eid al-Adha.

“Early this morning prior to the moment for prayers, we momentarily silenced our guns and ceased operations to show respect for today’s observance of Eid al-Adha. The silence was observed for the entirety of the time for prayers,” aniya.

Aniya, makaraan ang sandaling pagtigil, “the operations will continue without any let up.”

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *