Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bolivian arestado sa cocaine (Sa NAIA)

NAHULI ng Customs NAIA si Maria Bazan, isang Bolivian drug courier na nagtangkang magpuslit ng liquid cocaine na itinago sa kanyang winter jacket. (JSY)
ARESTADO ang isang babaeng Bolivian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, makaraan makompiskahan ng illegal drugs nitong Lunes ng gabi.

Natuklasan sa suspek ang tangka niyang ipuslit na liquid cocaine na nakatago sa dala niyang apat jackets.

Ayon sa ulat, ang suspek na si Maria Hinojosa Bazan ay inaresto dakong 7:00 pm.

Napag-alaman, ang dalang jackets ng suspek ay custom-made upang maitago ang kontrabando.

Sinabi ni Jojo Bautista, Philippine Drug Enforcement Agency deputy task commander, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Interpol na may illegal drugs na darating sa Manila.

Si Bazan, mula Sao Paolo, Brazil ay nagtungo sa Bangkok bago sumakay sa connecting flight pa-Maynila.

Nagsagawa ng dalawang field tests sa NAIA ang PDEA personnel at nakompirmang ang droga ay cocaine.

Sinabi ni Bazan, na-kiusap lamang sa kanya ang boyfriend ng kanyang kaibigan na i-deli-ver ang droga sa Filipinas kapalit ng libreng operasyon sa isa niyang kaanak.

Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa NAIA Terminal 3.

Ang cocaine ay dinala sa laboratoryo ng PDEA para sa iba pang pagsusuri, habang inihahanda ng mga opisyal ang kaukulang kasong maaaring isampa laban sa suspek. (JSY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About JSY

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …