Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Untouchables’ sa Ozamiz nagwakas na rin (War lords, drug lords, Kuratong etc.)

PAROJINOG.

‘Yan umano ang pangalan na kapag narinig ng mga taga-Ozamiz ay parang biglang magsisitakbo sa loob ng kanilang mga bahay ang mga residente.

Kaya naman nang mapabalitang napatay ang dating mayor na si Reynaldo Parojinog, ang kanyang misis at 13 iba pa, lumabas ang iba’t ibang reaksiyon sa social media.

Pero mas marami ang nagsasabi na parang nabunutan sila ng tinik sa dibdib.

Sa panahon na sinasabing may demokrasyang nararanasan ang ating bansa, namamayagpag ang ‘political war lords’ sa Ozamiz sa katauhan ng mga Parojinog.

Sila ang batas at kapangyarihan sa Ozamiz.

Mula sa pagiging Kuratong Baleleng, isang vigilante group na anti-insurgency o anti-communist, naging war lord ang Parojinog hanggang pumasok sa politika.

Mula noon ang buong bayan ng Ozamiz ay umikot na sa kanilang mga palad.

Malaki ang pamilyang Parojinog. At gaya sa isang tradisyonal na politiko, ang mga baryang ipinamimigay nila sa kanilang constituents ay itinuturing na ‘kalansing ng ligaya’ ng mga dukhang kababayan.

Bawat ‘limos’ ay itinuturing na regalo. At ang mga pinagkitaan at pinagtubuang proyekto, tingin nila ay serbisyo.

Ganyan ang kulturang naipatimo ng mga Parojinog sa kanilang mga kababayan.

Ang tanong, mayroon bang pagbabagong naihatid ang mga Parojinog sa kanilang bayan?!

Mayroon naman siguro — ‘yung paglaki ng agwat ng mayayamang Parojinog sa kanilang mga pobreng kababayan.

Alam nating hindi pa matatapos ang usapin kung paano napatay o pinatay ang mga Parojinog.

‘Yan ay habang nagkakagulo ang ‘sindikato’ kung sino ang ipapalit nilang pinuno.

Kaya may dalawa tayong tanong: “Sa pagkamatay ba ni Aldong Parojinog ay magwawakas na ang ‘lordism’ sa Ozamiz?”

Tuluyan na nga kayang madurog ang sindikato ng ilegal na droga?!

‘Yan ang aabangan natin.

Pansamantala, pakinggan natin ang nagbubunying mga mamamayan.

15 DAYs ULTIMATUM
NI BATO VS ILLEGAL
GAMBLING UMUBRA
KAYA SA MAYNILA?

Hindi natin alam kung dahil nabansagang ‘anemic’ ang kampanya ng PNP kontra illegal gambling kaya nagbanta ng 15-araw na ultimatum si Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa lahat ng regional directors.

Matindi ang utos ni DG BATO, all-out war kontra illegal gambling.

At matapang na pinaalalahanan ang lahat ng regional directors na gugulong ang kanilang mga ulo kung hindi nila maipapatigil ang illegal gambling.

Pero nanawagan din siya sa Small-Town Lottery (STL) operators na huwag ‘iligtas’ ang mga bookie operator na kanilang matitimbog.

Paniwala kasi ni PNP chief DG Bato, tao rin ng STL operators ang mga nag-o-operate ng bookie.

Arayku!

Huwag daw silang gawing ‘whipping boy,’ ayon kay PNP Chief.

Aniya, isusulong umano nila ang anti-drug war ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, pero dapat makipagtulungan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

By the way, DG Bato, ano ba ang ginagawa ng mga INTEL ninyo?

E lumalabas na mga INUTIL ‘yang mga INTEL ninyo, Sir PNP chief!

Kalusin na ninyo ang mga intel na inutil!

REKLAMO LABAN
SA NAMAMAYAGPAG
NA TULAK SA TONDO!
(ATTN: TATAY DIGONG
at CPNP GENERAL BATO)

GOOD pm Ka Jerry Yap sir, nais ko lamang po sana maiparating sa kinauukulan na lumalala na naman po ang bentahan ng shabu dito sa lugar ng Don Bosco Tondo sir. Ilang buwan na po, masayang nagpi-fiesta ang mga kilabot na durugista sa Coral, Concha at Sevilla streets. Isang alyas OLAN KURIKONG ang tulak ng SHABU, may bayaw na pulis-Maynila at pinsan ng brgy officials… Lantaran po ‘yan kung magbenta sa Sevilla St. Sana makarating kay Pangulong Rodrigo Duterte at Tsip Bato ang lumalalang problema sa aming lugar sir. Pakitago ho ang aking pagkakakilanlan at numero sir Jerry dahil baka po pag-initan ako ng grupo nila na nagbebenta ng droga sa lugar namin.

Ka Limuel—————@——.com

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap



About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *