Saturday , November 23 2024

‘Untouchables’ sa Ozamiz nagwakas na rin (War lords, drug lords, Kuratong etc.)

PAROJINOG.

‘Yan umano ang pangalan na kapag narinig ng mga taga-Ozamiz ay parang biglang magsisitakbo sa loob ng kanilang mga bahay ang mga residente.

Kaya naman nang mapabalitang napatay ang dating mayor na si Reynaldo Parojinog, ang kanyang misis at 13 iba pa, lumabas ang iba’t ibang reaksiyon sa social media.

Pero mas marami ang nagsasabi na parang nabunutan sila ng tinik sa dibdib.

Sa panahon na sinasabing may demokrasyang nararanasan ang ating bansa, namamayagpag ang ‘political war lords’ sa Ozamiz sa katauhan ng mga Parojinog.

Sila ang batas at kapangyarihan sa Ozamiz.

Mula sa pagiging Kuratong Baleleng, isang vigilante group na anti-insurgency o anti-communist, naging war lord ang Parojinog hanggang pumasok sa politika.

Mula noon ang buong bayan ng Ozamiz ay umikot na sa kanilang mga palad.

Malaki ang pamilyang Parojinog. At gaya sa isang tradisyonal na politiko, ang mga baryang ipinamimigay nila sa kanilang constituents ay itinuturing na ‘kalansing ng ligaya’ ng mga dukhang kababayan.

Bawat ‘limos’ ay itinuturing na regalo. At ang mga pinagkitaan at pinagtubuang proyekto, tingin nila ay serbisyo.

Ganyan ang kulturang naipatimo ng mga Parojinog sa kanilang mga kababayan.

Ang tanong, mayroon bang pagbabagong naihatid ang mga Parojinog sa kanilang bayan?!

Mayroon naman siguro — ‘yung paglaki ng agwat ng mayayamang Parojinog sa kanilang mga pobreng kababayan.

Alam nating hindi pa matatapos ang usapin kung paano napatay o pinatay ang mga Parojinog.

‘Yan ay habang nagkakagulo ang ‘sindikato’ kung sino ang ipapalit nilang pinuno.

Kaya may dalawa tayong tanong: “Sa pagkamatay ba ni Aldong Parojinog ay magwawakas na ang ‘lordism’ sa Ozamiz?”

Tuluyan na nga kayang madurog ang sindikato ng ilegal na droga?!

‘Yan ang aabangan natin.

Pansamantala, pakinggan natin ang nagbubunying mga mamamayan.

REKLAMO LABAN
SA NAMAMAYAGPAG
NA TULAK SA TONDO!
(ATTN: TATAY DIGONG
at CPNP GENERAL BATO)

GOOD pm Ka Jerry Yap sir, nais ko lamang po sana maiparating sa kinauukulan na lumalala na naman po ang bentahan ng shabu dito sa lugar ng Don Bosco Tondo sir. Ilang buwan na po, masayang nagpi-fiesta ang mga kilabot na durugista sa Coral, Concha at Sevilla streets. Isang alyas OLAN KURIKONG ang tulak ng SHABU, may bayaw na pulis-Maynila at pinsan ng brgy officials… Lantaran po ‘yan kung magbenta sa Sevilla St. Sana makarating kay Pangulong Rodrigo Duterte at Tsip Bato ang lumalalang problema sa aming lugar sir. Pakitago ho ang aking pagkakakilanlan at numero sir Jerry dahil baka po pag-initan ako ng grupo nila na nagbebenta ng droga sa lugar namin.

Ka Limuel—————@——.com

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *