Friday , November 22 2024

10 bus terminals sa EDSA ipasasara ng MMDA? (E ang mga illegal terminal kaya!?)

TILA naghihimagsik ang kalooban ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Liwasang Bonifacio (dating Plaza Lawton) sa tapat ng Central Post Office Building sa Ermita, Maynila, dahil ang lugar na dating tagpuan at lunsaran ng malalaya at progresibong kaisipan sa pagpapalaya ng bayan ay nanlilimahid, tambayan ng mga illegal vendor at mga ‘palaboy,’ higit sa lahat ginawang illegal terminal ng mga kolorum na sasakyan na kadalasan ay sanhi ng pagsisikip ng trapiko sa nasabing area. (Kuha ni BONG SON)

MALALA raw ang paglabag sa patakarang “nose-in, nose out” ng 10 bus terminals na ipinasasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Efipanio delos Santos Avenue (EDSA).

Tinukoy ng MMDA ang mga bus terminal ng DLTB Bus, Lucena Lines, Raymond Transportation, Saint Rafael Transport Lines, Our Lady of Salvacion Bus Line, JAM Liner, Superlines Transport, Victory Liner, Dimple Star Transport at Roro Bus Transport.

Maganda ang layuning ito ng MMDA. Lalo na riyan sa Pasay City na sandamamak ang mga kolorum na bus gaya ng BILLY BUS na may biyahe hanggang Samar.

Noon pa man ay pinupuna na natin ang mga bus terminal na ito na sinasakop ang mga kalsada sa kanilang operations.

Bukod pa nga riyan, nagiging kanlungan ang mga terminal na ‘yan ng mga kolorum na bus.

Pero kakaiba ‘yang mga ‘yan.

Sila pa ang matatapang kapag nagkakaroon ng insidente ng sagian at banggaan.

And take note walang asuntohan ‘yan, basagan lang ng side mirror o butasan lang ng gulong, amanos na!

Sonabagan!

Bilib tayo kung seryoso talaga ang MMDA na ipasara ang mga bus terminal na ‘yan sa EDSA.

Pero higit pa tayong bibilib sa MMDA kung maisasara nila at tuluyang mawawalis ang pinakamalaking illegal terminal sa Liwasang Bonifacio (Lawton).

Ang Liwasang Bonifacio ngayon ay hindi na isang liwasan o pasyalan ng mga tao.

Ito ngayon ay isang malaki at mabahong illegal terminal at kanlungan ng mga kolorum na van.

Ang ipinagtataka natin, parang may ‘tapa ojo’ ang MMDA dahil sa direksiyon lang sila ng EDSA nakatutok ng tingin.

MMDA Chairman, ret. Gen. Danilo Lim, Sir, baka hindi pa nakararating sa inyo ang ulat na may isang malaking illegal terminal sa Liwasang Bonifacio.

Kung walang nagrereport sa inyo na mga opisyal ng MMDA, puwes panahon na para imbestigahan ninyo ang mga taong dapat sana ay iniuulat sa inyo ang mga ganyang isyu.

Better yet, pakipasyalan po ninyo ang Liwasang Bonifacio, at doon baka maiyak kayo sa kalunos-lunos na sinapit ng monumento ni Gat Andres Bonifacio…

‘Yan ay dahil sa maliLIGAYAng operator ng illegal terminal diyan sa Liwasang Bonifacio!

TITAN
AT MS UNIVERSAL
CLUB UNTOUCHABLE
SA PASAY CITY

SIR, tanong lang ho sa PNP Pasay at Mayor’s office. Bakit open ang prostitution sa Ms. Universal club at Titan club? Magaling ba silang maghatag ng tara?

+639187291 – – – –

MAY NAG-POSITIVE
SA DRUG TEST SA APD?

GOOD am sir, may mga nag-positive sa drug test sa amin sa airport police department pero naka-deploy pa sa mga terminal. Walang ikinaso ang legal ofc sa mga ungas. Dapat paimbestigahan ng mga positibo sa droga. Salamat po.

+63916833 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *