Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
drugs pot session arrest

3 bebot huli sa pot session

 

TATLONG babae ang nadakip sa isinagawang Oplan Galugad ng Blumentritt Police Community Precinct (PCP) matapos mahuli sa isang pot session sa loob mismo ng bahay ng isa sa mga suspek nitong nakaraang gabi.

Ayon sa ulat, pasado 11:00 pm nang magsagawa ang mga pulis ng operasyon sa M. Hizon St., Sta. Cruz Maynila nang mahuli sa akto ang tatlong babae na nagpapasahan ng tooter sa nasabing lugar.

Kinilala ang mga suspek na sina Lorna Padua, 48, residente sa pinangyarihang lugar; Charito Urbano, 53, tindera, residente sa Sampaguita St., at Iris Jacinto, 36, sekretarya, residente sa Sulu St., ng nasabing lungsod.

Nakompiska ng mga awtoridad ang isang pakete at dalawang aluminum strips ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa PS-3 Custodial Facility at nakatakdang sampahan ng kasong “possession of dangerous drugs at possession of equipment, instrument, apparatus and dangerous drugs during social gatherings.” (ALEXIS ALATIIT)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …