Tuesday , December 24 2024

Alyas Inggo sa Bulacan massacre itinumba

MASINSINANG kinakausap ni President Rodrigo “Digong” Duterte sina Philippine National Police (PNP) Director General Ronald Dela Rosa at Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go nang personal na nakiramay sa nagdadalamhating pamilya ng mga biktima ng masaker sa San Jose del Monte City, Bulacan, kahapon.  (JACK BURGOS)
MASINSINANG kinakausap ni President Rodrigo “Digong” Duterte sina Philippine National Police (PNP) Director General Ronald Dela Rosa at Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go nang personal na nakiramay sa nagdadalamhating pamilya ng mga biktima ng masaker sa San Jose del Monte City, Bulacan, kahapon. (JACK BURGOS)

HINIHINALANG sangkot sa Bulacan massacre ang isang lalaking natagpuang patay sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan, dakong 5:30 am nitong Martes.

Kinilala ang biktimang si alyas Inggo, nakitang patay at walang pang-itaas na damit sa ilalim ng puno sa Pal-mera Drive Road.

May pump belt na nakatali sa leeg ng biktima at may karatulang nakasaad na katagang “Addict at Rapist ako Huwag Tularan.”

Inaalam ng pulisya kung siya ang alyas Inggo o si Ronald Pacinos, na idinadawit ng suspek na si Carmelino Ibañez sa masaker ng mag-iina sa lugar.

Una nang sinabi ni Ibañez na isa siya sa pumatay kay Estrella Dizon Carlos, tatlo niyang mga anak, at nanay niyang si Auring.

Sa pahayag sa media, inamin ng suspek na kanyang ginahasa sina Estrella at Auring ngunit binawi niya ito sa opisyal niyang pahayag.

Bukod kay alyas Inggo, person of interest din ang idinadawit ni Ibañez na si alyas Tony, ayon sa pulisya ay sumuko na sa kanila.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *