Tuesday , December 24 2024

Suspek sa masaker lango sa droga’t alak, arestado (Lola, ina pinagsasaksak bago ginahasa)

INAMIN ng isang suspek na inaresto ng pulisya na siya ay lango sa alak at droga nang patayin ang limang miyembro ng isang pamilya sa City of San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Carmelino Navarro Ibañes, alyas Meling, 26, tubong Negros Occidental, at nagtatrabaho bilang construction worker.

Inamin ng arestadong suspek na pinagsasaksak muna niya ang bulag na lola na si Auring Dizon, 58, saka ginahasa.

Ganoon din umano ang ginawa niya sa ginang na si Estrella Dizon Carlos, 28 anyos.

Sa press conference nitong Huwebes, iniharap ni C/Supt. Aaron Aquino, director ng PNP Region 3 si Ibañes.

Inaresto si Ibañes nitong Miyerkoles ng gabi sa San Jose del Monte, at umamin sa ginawang krimen sa harap mismo ng kanyang ina.

Ayon kay Aquino, sinabi ni Ibañes, pauwi na siya noong Martes nang may narinig siyang tinig na nag-udyok sa kanya na pumasok sa bahay ng guwardiyang si Dexter Carlos Sr., sa North Ridge Royal Subdivision sa City of San Jose del Monte.

Wala sa bahay si Carlos at ang tanging nandoon ay kanyang asawa na si Estrella, mga anak na sina Donnie, 11; Ella, 7, at Dexter Jr., 1, at ang bulag na biyenan na si Auring.

Bago ang malagim na krimen, nakipag-inoman ang suspek at bumatak ng shabu, ayon kay Aquino.

“When you mix alcohol with shabu, it’s very dangerous. That’s the worst… ang kalalabasan,” anang opisyal Aquino.

Batay sa kuwento ni Ibañes, una niyang nakita sa ibaba ng hagdan ng bahay ang lola na si Auring, na sinaksak niya nang 32 ulit bago ginahasa.

Nang marinig ni Estrella ang ingay, bumaba ang ginang at nakitang ginagahasa ng suspek ang inang si Auring kaya napatakbo palabas.

Ngunit hinabol ni Ibañes ang ginang at pinagsasaksak nang 45 ulit at saka ginahasa rin.

Kasunod nito, umakyat ng bahay ang suspek at pinagsasaksak din ang mga bata. Tinamaan ng 15 saksak si Donnie, 19 saksak kay Ella, at limang saksak sa bunsong si Dexter, Jr.

Ayon sa suspek, nagawa niya ang krimen dahil hindi siya pinaigib ng tubig ni Estrella.

SUSPEK ‘DUGUAN’
NANG MAKITANG
NAGLALAKAD

“IMMEDIATELY after committing the crime, he went out of the house with blood-stained hands and shirt,” ani Aquino.

“Sakto may naglalakad pauwi… 3 am He saw the suspect with bloodstained hands,” dagdag niya.

Sinabi ni Aquino, hindi residente sa lugar ang naturang testigo at napadaan lang habang papauwi.

“When the suspect was presented in front of her mother and sister, nag-appeal ‘yung mother and sister (niya for him) to tell the truth. Doon na siya nagsabi na pinatay niya ang buong pamilya,” patuloy ni Aquino.

Nakatira si Ibañes hindi kalayuan sa bahay ng mga biktima at kabilang sa mga nakikiigib ng tubig sa pamilya na kanyang pinaslang.

AT-LARGE NA SUSPEK
HINDI PA SIGURADO

HINDI pa matiyak kung may kasama si Ibañes nang gawin ang krimen.

“Paulit-ulit ko kasing tinatanong sa kanya, sino kasama mo when the crime is being committed. Pero hindi niya maalala. Pero sabi niya, sir, mukhang ako lang ang nandoon at nag-commit ng crime,” ani Aquino.

Gayonman, itinutu-ring ng pulisya na “persons of interest” ang da-lawang kaibigan na kinilala bilang sina Leonard at Tony.

Sinasabing kasama sa inoman ng suspek at gumamit din ng droga sina alyas Inggo at Tony.

Nang tanungin si Aquino kung pinagtatakpan ni Ibañes ang kanyang mga kaibigan, tugon ng opisyal; “I don’t think so. Sinabi ko sa kanya iyan. Kailangan mo bang pagtakpan ang kasama mo at papayag ka bang ikaw ang makulong? E hindi. So sa tingin ko siya lang.”

Gayonman, may mga hindi magkakatugma sa mga kuwento ni Ibañes na patuloy na iniimbestigahan.

“May words siya na medyo kuwestyonable katulad ng ‘parang’ at sabi niya, hindi ko maalala kung may kasama ako sa ganitong lugar,” ani Aquino.

Inaalam ng mga im-bestigador ang posibi-lidad na dalawang patalim ang ginamit sa krimen.

PADRE DE FAMILIA
DUDA SA PAHAYAG
NG LONE SUSPECT

SAMANTALA, hindi kombinsido si Carlos na mag-isa lang si Ibañes sa pagpaslang sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Nagsisinungaling… may pinoprotektahan na tao na ayaw niya makasama sa krimen… Hindi ako naniniwala,” ayon kay Carlos.

Sinabi ni Carlos, dati na niyang napansin ang malisyosong pagtitig ng suspek sa kanyang misis bago ang insidente.

“Si Meling, ‘pag dumaraan dito, nag-iigib. Nakikita ko iyon na puro siya titig. Kilala ko siya sa mukha pero sa pa-ngalan hindi ko siya kilala. Iba talaga ang titig niya.”

“Sa lalaki kasi, mararamdaman mo kung meron pagnanasa iyong lalaki sa asawa mo o i-yong tinitingnan niya,” ani Carlos. Hindi naniniwala si Carlos sa dahilan ng suspek na hindi siya pinaigib ng tubig ni Estrella kaya pinatay niya ang buong mag-anak.

Aniya, hindi ganoon ang kanyang misis. At hindi pa niya nakita na nagalit si Estrella sa mga nag-iigib sa kanila.

Dagdag ni Carlos, may natanggap siyang impormasyon na limang lalaki ang pumasok sa kanilang bahay at isinagawa ang krimen.

Taliwas ito sa paha-yag ng suspek na dalawang lalaki lamang ang kanyang kainoman, bagama’t hindi niya ti-yak kung kasama niya nang isagawa ang krimen.

“Ang mensahe ko lang kay Meling, sabihin niya iyong mga kasama niya na talagang involved sa krimen na ginawa nila. Sabihin niya lahat, hindi lang iyong iilang tao ‘yung gusto niyang sabihin,” pahayag ni Carlos.

(MICKA BAUTISTA /DAISY MEDINA/RAUL SUSCANO/LEONY AREVALO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *