Tuesday , December 24 2024

CA lulusawin ng Kongreso (Sa utos na palayain ang Ilocos 6) — Alvarez

NAGBABALA si House Speaker Pantaleon Alvarez, na maaaring lusawin ng Kongreso ang Court of Appeals sa gitna ng girian sa korte kaugnay sa pagpiit sa anim empleyado ng Ilocos Norte provincial government.

“They are merely a creation of Congress, ‘yung Court of Appeals. Kaya iyan nag-i-exist, dahil nga na-create iyan ng Congress. Anytime puwede namin silang i-dissolve,” pahayag ni Alvarez.

“Kaya ito, dapat mag-isip-isip naman sila. Huwag naman ‘yung ganyan. Ito ay ginagawa natin ‘yung ating tungkulin sa bayan,” aniya.

Nagbanta rin si Alvarez na na idi-disbar sina Associate Justices Stephen Cruz, Edwin Sorongon, at Nina Antonino-Valenzuela ng Special Fourth Division ng CA, dahil sa aniya’y “gross ignorance of the law.”

“Kaya itong mga tatlong g*gong justices na ito, dapat ito, mayroon kaming ano, na magpa-file kami ng disbarment cases for ignorance of the law, itong justices na ito,” diin ni Alvarez.

Inihayag ng lider ng Kamara, habang patuloy na sinusuway ang utos ng CA division na palayain ang nakapiit na mga empleyado ng Ilocos Norte government, makaraan i-cite ng contempt “for dismissive answers” sa ginanap na imbestigasyon hinggil sa iregular na pagbili ng P66.45 milyon halaga ng motor vehicles gamit ang tobacco funds.

Nauna rito, inatasan ng CA, sa pamamagitan ng writ of habeas corpus, ang House sergeant-at-arms na dalhin sa korte ang anim provincial government employees.

Sinimulan na rin ng korte ang contempt of court proceedings laban kay Alvarez at sa sergeant-at-arms.

Giit ni Alvarez, ang CA ay walang hurisdiksiyon sa Kongreso.

“Para sa akin, ay talagang wala silang jurisdiction sa amin. Sino sila para mandohan ‘yung Kongreso kung ano ang dapat naming gawin? Mayroon kaming karapatan,” pahayag ni Alvarez.

“Dapat itong mga justices na ito, siguro mag-ayos-ayos na, lalo na itong tatlo. Kung para sa bayan, medyo tingnan naman nila… Napakawalanghiya na ng ginawa, tapos ganyan pa, kakampihan pa nila. Hindi na siguro tama ito,” dagdag niya.

Aniya, ang paglaya ng mga empleyado ay depende sa kanilang pagnanais na ipahayag ang katotohanan.

“This is a simple thing, na ‘yung liberty o kung kalayaan ng mga naka-detain, ‘yung susi hawak-hawak nila,” aniya.

Ang anim empleyadong nakapiit mula noong 29 Mayo ay sina Pedro Agcaoili, chairng bids and awards committee at provincial and planning development unit; Josephine Calajate, provincial treasurer; Edna Battulayan, accountant; Evangeline Tabulog, provincial budget officer; at Genedine Jambaro at Encarnacion Gaor, nakatalaga sa treasury office.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *