INILIPAT ng mga awtoridad sa Camp Bagong Diwa ang 11 indibidu-wal, kabilang ang ina ng magkapatid na Maute, at dating alkalde, pawang kinasuhan ng rebelyon kaugnay sa madugong pag-atake sa Marawi City.
Sina Ominta Romato Maute, alyas Farhana, at dating Marawi City ma-yor Fajad Salic, ay inilipad patungong Maynila nitong Lunes, makaraan sumailalim sa inquest proceedings sa Camp Evangelista sa Cagayan De Oro City, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nitong Huwebes.
Kabilang din sa dinala sa Camp Bagong Diwa’s Special Care Intensive Area, sina Sumaya Bangkit Masakal, Radiea Tugosa Asire, Mariam Ibnu Abubakar, Zafeerah Rosales Musa, Nehreen Macaraya Abdul, Nora Moctar Limgas, Mardiyya Haji Ali, Sumayya Lawi Ali, at Noronisa Haji Camal.
Nauna rito, kinasuhan ng government pro-secutors ang 11 indibiduwal sa Misamis Oriental Regional Trial Court hinggil sa alegasyong na-ki-pagsabwatan sila sa ISIS-inspired Maute group, kasalukuyang nakikipagsagupa sa mga tropa ng gobyerno.
Si Farhana, ina nina Maute group founders Omar at Abdullah, na-nguna sa pag-atake sa Marawi nitong 23 Mayo, ay sinasabing financier ng nasabing extremist group.
Siya ang unang asawa ni Cayamora Maute, inaresto sa checkpoint sa Davao City nitong 6 Hunyo, kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa.
Si Farhana ay inaresto sa Maisu, Lanao Del Sur nitong 9 Hunyo.