Tuesday , March 11 2025

Nanalong MMA fighter binugbog ng fans

NASAKSIHAN ang hindi inaasahan at nakakikilabot na eksena sa Glory kickboxing event nitong nakaraang Sabado na ginanap sa Paris, France — dito makikita ang mga fans na sumugod at umakyat sa ring at sadyang binugbog ang Dutch-Surinamese mixed martial arts fighter na si Murthel Groenhart matapos pabagsakin ang kalabang si Harut Grigorian ng Talin, Armenia sa ikalawang round ng kanilang welterweight bout.

Nagpapalitan ng matitinding suntok at sipa ang dalawang mandirigma nang sa hindi pa malamang dahilan ay tinalikuran ni Grigorian ang kanyang katunggali saka nagsimulang maglakad patungo sa kanyang corner.

Agad sinundan ng Dutch-Surinamese champion ang kanyang kalaban at bumato ng malakas na kanan mula sa likod na tumama sa panga ni Grigorian at nagpabagsak sa lona sa Armenian fighter.

Ikinokonsiderang legal ang ginawa ni Groenhart dangan nga lang ay sinasabi ring hindi sportsmanlike.

Gayonpaman, iginawad kay Groehart ang ‘victory by TKO’ na masasabing ikinagalit ng mga fans.

Sa pagdiriwang ni Groenhart sa kanyang panalo, naganap ang hindi inaasahan!

Sumugod ang fans at sinalakay si Groehart habang nasa ibabaw ng ring. Isa sa mga sumugod na may kalakihan at mukhang sanay sa bugbugan ang nagawang suntukin ang Dutch-Surinamese sa mukha at katawan para pangambahang nabasag ang panga sanhi ng pag-atake.

Ayon sa trainer ni Grigorian na si Nicky Hemmers, tumalikod ang kanyang alaga sa gitna ng labanan dahil nasugatan siya, ngunit inamin din na hindi matiyak ang tunay na dahilan bakit ginawa ito ng Armenian fighter.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

SM Bulacan malls, BFP Nagsagawa ng 4th Nationwide Simultaneous Fire Drill

SM Bulacan malls, BFP Nagsagawa ng 4th Nationwide Simultaneous Fire Drill

INIHANAY sa Fire Prevention Month, ang 4th Nationwide Simultaneous Fire Drill on High-Density Occupancies ay …

Mga Pilipinong imbentor namayagpag sa Thailand Inventors’ Fair 2025, nag-uwi ng 13 medalya

Mga Pilipinong imbentor namayagpag sa Thailand Inventors’ Fair 2025, nag-uwi ng 13 medalya

Bangkok, Thailand – Muling pinatunayan ng mga Pilipinong imbentor ang kanilang husay at talino sa …

Mobile Legends TNT P10 8 hrs

Hanggang saan aabot ang P10 mo? Walong oras na Mobile Legends sa TNT!

MADALAS ka pa rin bang magbayad ng WiFi o kumonek sa internet shop para lang …

Donni SM CDO Downtown Project LUPAD

Come for the shopping, stay for Donni — the newest icon at SM CDO Downtown!

“Meet Donni, the new downtown bestie at SM CDO Downtown! This larger-than-life giraffe stands proudly …

Empowering the Food Industry DOST Region 2 Evaluates 16 SETUP Proposals for the Food Processing Sector

Empowering the Food Industry: DOST Region 2 Evaluates 16 SETUP Proposals for the Food Processing Sector

TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – The Department of Science and Technology (DOST) Region 2 continues its …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *