Saturday , November 23 2024

Batang Arrastre naging Botong Arrastre

HINDI napigilang pag-usapan ng mga karerista at maging sa mga kilalang tao sa karerahan ang kanilang napuna at narinig sa nagawang pagtawag ng race caller na si Ginoong Vergel Caliwliw sa ikalimang karera nitong nagdaang Martes na pakarera sa pista ng Sta. Ana Park. Imbes kasi na banggitin ang pangalan ng kabayo na pagmamay-ari ni Ginoong Dondon Babon Jr. na si Batang Arrastre ay tinawag niya iyon na BOTONG ARRASTRE simula sa largahan hanggang sa matapos ang nasabing takbuhan.

Pero teka, hindi lang yung club announcer ang bumanggit ng pangalang iyon.   Bago pa ilarga  ang nasabing karera ay may nakarinig din na karerista na  may nagbanggit ng pangalang iyon  sa panel, na akala nila ay namali lang  sila ng dinig. Pero laking gulat nila at nang marinig sa  aktuwal na takbuhan ang nabanggit na pangalan na  nagtutugma sa unang narinig sa panel dahil pagtakbo ay Botong Arrastre na ang pangalan o itinawag sa kabayong si Batang Arrastre.

Sa hindi nakarinig, pumasok kayo sa replay  sa Youtube na may titulong “PRCI 060617 R05.”

Sa aking pagsasaliksik at pagtatanong ay napag-alaman ko na ang pangalang Botong ay pangalan ng  katiwala sa kuwadra mismo ng may-ari (Ginoong Babon, Jr.) ng  Batang Arrastre.

Ang naging sigaw at damdamin tuloy ng mga karerista ay nababoy ang karera sa pangyayaring iyo. Masyadong halata at garapalan na ang pagdidikit sa mga horse owners ng nakararami sa hanay ng mga club announcers, unang-una na riyan ay ang pagbanggit ng pangalan ng may-ari pagdating sa meta. At ayon sa mga beteranong klasmeyts natin ay sobrang halatado na pumoporkas ang announcer sa kasangga nilang may-ari ng kabayo, dahil sa ganyang sitwasyon ay magkaroon sila ng jekjek o abot mula sa nanalo at minsan ay makakasama na makakasalo pa sa kasiyahan sa labas pagkatapos ng karera. Meh ganon?  Kaya pala ang ilan ay ganado na sabihing “The horse of Mister blah-blah-blah…”

Sana ay mabigyan ng aksiyon ang nasabing kalokohan na maituturing na rin na isa sa mga maling gawain, dahil sa posisyong iyan ay dapat na konsentrado ka lang sa tama at klarong pagtawag sa takbuhan. Sana nga ay hindi na maulit, dahil gaya nga nang nabasa ninyo ay nababuyan at nawalan ng gana ang mga karerista. Okidoks.

REKTA’s GUIDE (Metro Turf/6:00PM) :

Race-1 : (2) Atinkupung Sinsing/King Patrick, (7) Fantastic Grace, (8) Musikera.

Race-2 : (3) Blue Berry, (1) Premo Jewel.

Race-3 : (1) Graf, (6) Machivan/Secret Kingdom.

Race-4 : (5) New Empire, (1) Mr. La Loma, (2) Becker.

Race-5 : (2) Joy Joy Joy/Formidable Foe, (4) Born Unto Battle, (5) Clan Leader.

Race-6 : (3) My Queen, (1) Lasting Rose, (2) Mapaghinala.

Race-7 : (8) BellasRBeautiful, (7) Foolish Princess, (2) BigMouthBernie.

Race-8 : (3) Pagkakataon, (4) ingrid’s Joy, (1) Habsburg Empire.

Race-9 : (2) ultimate Paris, (7) Gorgeous Chelsea.

REKTA – Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *