Monday , December 23 2024

90 porsiyento ng Marawi nabawi na ng army

NABAWI na ng tropa ng gobyerno ang 90 porsiyento ng Marawi City, isang linggo makaraan itong atakehin ng mga bandidong Maute at Abu Sayyaf, ayon sa ulat ng militar kahapon,

“Almost 90 percent of the whole city is well controlled by our forces and have been cleared of the remnants of this group. The remaining are areas of pockets of resistance that are still being kept in the hands of these militants,” pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brigadier-General Restituto Padilla.

Sinabi ni Padilla, ang mga bandido ay maaaring itinatago ang terror leader na si Isnilon Hapilon, gayondin ang kanilang mga armas sa erya.

Puntirya ng mga tropa ng pamahalaan na mabawi ang natitira pang mga lugar na hawak ng mga rebelde, sa susunod na mga araw, ayon sa AFP official.

Ayon pa kay Padilla, hinarangan na mga sundalo ang lahat ng entry and exit points sa Marawi, kaya hindi makapapasok ang posibleng reinforcements ng bandigong grupo.

Aniya, ang biglaang pagdami ng bilang ng mga rebelde ay posibleng dahil sa sympathizers na pinakawalan nila mula sa Marawi City jail.

89 MAUTE MEMBERS
PATAY SA SAGUPAAN
SA MARAWI — AFP

UMABOT sa 89 Islamist militants ang napatay ng mga tropa ng gobyerno sa nagpapatuloy na sagupaan sa Marawi City, ngunit nagmamatigas pa rin ang mga terorista at may hawak pang mga bihag, ayon sa militar kahapon.

Ayon sa ulat, nagpa-sabog ang attack helicopters ng rockets nitong Miyerkoles ng umaga sa ilang mga lugar ng Marawi City na pinagtatagupan ng mga terorista kasama ng na-trap na mga residente.

Sumiklab ang sagupaan nitong Martes ng nakaraang linggo nang salakayin ng Maute gunmen na may bitbit na bandilang itim ng Islamic State (IS), ang lungsod sa pagsusumikap na mapigilan ang mga tropa ng pamahalaan sa pag-aresto kay Isnilon Hapilon, ang lider ng Abu Sayyaf Group, na nasa talaan ng most-wanted terrorists ng US government.

Nakatakas si Hapilon ngunit hinihinalang nasa loob pa rin ng Marawi, ayon kay military spokesman Brigadier General Restituto Padilla.

Ayon kay Padilla, 89 militants ang napatay sa pagsusumikap ng mga terorista na masagip si Hapilon.

Aniya, patungo ang militar sa “very positive” progress na matapos na ang krisis, na nagresulta rin sa pagkamatay ng 21 security forces at 19 sibilyan.

Gayonman, aminado si Padilla na marami pang mga residente ang na-trap at 10 porsiyento pa ng lungsod ang kontrolado ng mga terorista.

“That 10 percent is most likely the area that is heavily guarded and defended by any armed men if they are protecting any individual of high value,” pahayag ni Padilla.

Ngunit sinabi ni Padilla, hindi pa nila batid kung ilang militants na lamang ang nalalabi.

8 MAUTE MEMBERS
SUMUKO, KUMANTA

WALONG miyembro ng Maute group ang sumuko sa Marines na kabilang sa operasyon sa Marawi City.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ang walong miyembro ng Maute ay nagtago sa isa sa conflict areas sa lungsod.

Ayon kay Padilla, nagmula ang impormasyon kay Marine Brig. Gen. Custodio Parcon.

“And these individuals have been talked to and debriefed and have provided very, very valuable intelligence,” pahayag ni  Padilla sa ginanap na Mindanao Hour sa Malacañang.

Samantala, itinanggi ni Padilla na isang kaanak ni Omar Maute, kabilang sa mga lider ng terror group na umatake sa Marawi noong 23 Mayo, ang nadakip sa Ninoy Aquino International Airport.

“Iyan pong balitang ‘yan na pumasok po eh hatinggabi kagabi at saka a little bit earlier, naitanong po sa atin ito and we have clarified with all the agencies particularly airport authorities and this is untrue, negative,” aniya.

“Ang tunay na lumabas dito ay meron… na inimbita lang po para tanungin at ito’y nangyari sa Terminal 3 at ang… pagkatapos ng imbitasyon na ‘yan at pag-usisa po sa kanyang pinanggalingan, paroroonan, at ng kanyang tinitirahan, pinakawalan na rin po siya,” dagdag ni Padilla.

6 MARAWI COPS
MISSING-IN-ACTION

ANIM pulis ang hindi pa natatagpuan habang patindi ang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at local terror group Maute sa Marawi City, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

“Mayroon tayong mga missing-in-action na hindi pa na-account na anim dahil nga itong mga local police ng Marawi hindi pa makontak,” pahayag ni Dela Rosa nitong Martes ng hapon.

“’Yung mga nasa loob ng downtown area kung saan ‘yung kasagsagan noong labanan, so hindi pa natin malaman kung ano ang sitwasyon nila. Sana maganda ang progress ng ating clearing operation,” dagdag niya.

Aniya, tatlong pulis ang napatay habang tatlo ang sugatan sa pakikipagpalitan ng putok. Dalawa sa namatay ay kinilalang sina S/Insp. Freddie Solar at S/Insp. Edwin Placido.

Ayon sa intel source
FOREIGN JIHADISTS
KASAMA NG ISIS
SYMPATHIZERS
SA BAKBAKAN

MARAWI CITY – May kasamang foreign jihadists ang Islamic State sympathizers sa paki-kibakbakan sa mga tropa ng gobyerno sa Minda-nao, patunay na ang rehiyon ay nagiging isa nang Asian hub para sa ultra-radical group.

Ayon sa intelligence source, sa 400-500 terorista na sumalakay sa Marawi City, kabilang dito ang 40 mandirigma mula sa ibayong dagat, kabilang ang mula sa Middle East.

Nabatid sa source, kabilang sa kanila ang Indonesians, Malaysians, at isang Pakistani, Saudi, Chechen, Yemeni,  Indian, Moroccan at isang may Turkis passport.

“IS is shrinking in Iraq and Syria, and decentralising in parts of Asia and the Middle East,” pahayag ni Rohan Gunaratna, security expert ng Singapore’s S. Rajaratnam School of International Studies.

“One of the areas where it is expanding is Southeast Asia and the Philippines is the centre of gravity.”

Hindi pa kinokompirma ng militar ang ulat na 40 foreign jihadists ang kasama ng Maute group sa pakikisagupa sa mga tropa ng gobyerno sa Marawi City.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *