Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pangulong Digong tumpak sa diplomatic relations sa China

NGAYON pa lamang ay pinatunayan na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na wasto ang kanyang diskarte kung paano makikipagrelasyon sa China — isa sa itinuturing ngayon na superpower sa buong mundo.

Ano nga naman ang mapapala niya kung makipagmatigasan siya sa China? Isusubo ba niya ang buong bansa sa pakikidigma sa isang bansa na ang katapat ay mga bansang gaya ng Amerika, Russia at North Korea (kung armaments ang pag-uusapan)?

Kung nagpadala si Digong sa urot ng mga utak-pulbura, malamang para lang tayong kandila na hihipan lang ng China, ‘e tigok na ang sindi.

Bakit nga naman makikipag-away ang Pangulo kung manganganib ang kaligtasan ng bansa at mamamatay ang marami nating sundalo pero sa huli ay talo pa rin tayo?

102016-duterte-xi-jinping

E kung makipagkaibigan nga naman siya at maging diplomatiko sa China, ‘e marami pa tayong nakuhang pakinabang at tulong. Hindi lang milyon-milyon kundi bilyon-bilyon.

Mabuti na lamang at hindi siya nakinig sa mga nagsasabing mga makabayan sila at dapat ipagtanggol ang ating bansa laban sa sinasabing ‘pambu-bully ng China’ sa West Philippine Sea.

Isa itong matatawag na Solomonic decision.

Hindi naman inaangkin nang lubos ang mga islang sabi nga ay disputed. Bukas sila sa pakikipag-usap at sinasabi nila na sila ay may historikal na batayan sa pagpunta sa mga islang anila ay kinasanayan nang puntahan ng kanilang mga ninuno.

Kung totoo mang mayroong mga likas na yaman na maaaring pakinabangan sa nasabing mga isla, bakit nga naman hindi gawing joint exploration.

Kaya sana naman ‘yung mga nagmamagaling na kung ano-ano pang analysis ang ginagamit, tigilan ninyo ‘yan.

Hindi naman kayo Presidente ‘e kung makapagsalita kayo parang kayo ang inihalal ng 16 milyong Filipino.

Alalahanin ninyo, isa lang ang timon sa isang barko.

Kaya nga pumipili ng kanyang mga Gabinete ang isang presidente dahil ibig sabihin iyon ang kanyang mga kasangguni.

‘Yung mga nagmamagaling, aba ‘e mag-Presidente kaya muna kayo?!

Para maintindihan ninyo kung paano ang maging Presidente, huwag yakyak nang yakyak!

ANG NAKAHIHIYANG
KALAGAYAN NG KALIBO
INTERNATIONAL AIRPORT!
(ATTENTION: CAAP)

012417 Kalibo international airport

Minsan nagawi tayo sa Puerto Princesa at ating nasilayan kung gaano kaganda ang magiging immigration area ng bubuksang Puerto Princesa International Airport.

Napakaganda ng counters at maikokompara ito sa immigration counters sa Hong Kong airport at Kuala Lumpur, Malaysia.

Kung may ganyan tayo kagandang airport sa Puerto Princesa, bakit tila pinabayaan naman ang Kalibo International Airport (KIA) sa Region 6!?

Sabi ng iba nating kababayan lumang-luma na raw ang mga pasilidad nito partikular sa immigration area na dinaraanan ng libong turista araw-araw?!

Nanggigitata sa dumi ang immigration counters ng nasabing airport at hindi miminsan na nakita nilang bumagsak ang kinalalagyan ng keyboards ng mga computer!

Sonabagan!

Sobrang nakahihiya ang ganitong mga scenario sa mga turista!

Hindi lang ‘yan!

Pati air-conditioning system ng nasabing airport ay puwede  pang-sauna at hindi pang-cooling!

Kaya naman ang biruan ay hindi pa nakararating sa Caticlan ay damang-dama na ang atmosphere ng Boracay!

Juice colored!

Kumusta naman kaya ang mga naglalakihang daga na nagtatakbohan sa loob ng Kalibo airport?!

Wala raw takot lumabas sa kanilang lungga ang mga daga sa Kalibo airport at nakikipag-patintero pa sa mga pasahero!

Ewwsss!

Hindi malayo na may makagat na pasahero, ang mga dagang ‘yan lalo pa at halos kasing laki na raw ng pusa?!

Wattafak!?

E saan naman kaya napupunta ang kinikita ng airport na ‘yan at hindi kayang ibigay ang kaukulang serbisyo para sa tao?

Libong foreign and local tourists ang dumaraan araw-araw at 24/7 ang operation ng nasabing airport!

So saan napupunta ang ibinabayad na terminal fees ng mga tao?!

Kalibo Airport manager, Mr. Efren Nagrama, saang bulsa ‘este saan nga ba!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *