Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

MTPB pahirap sa masa, panggulo sa MMDA

IPINAGMAMALAKI ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na may bago silang kautusan sa mga sasakyan na ilegal na pumaparada o gumagarahe sa mga lugar o espasyo na hindi nila dapat okupahan.

Kabilang umanos a mga lugar na ito ang simbahan, ospital, paaralan at fire hydrants.

Kaya magiging massive umano ang pagkakabit ng MTPB ng “no parking sign” sa mga lugar na bawal magparada o gumarahe.

Ang mga sasakyang mahuhuling nakaparada o nakagarahe sa mga bawal na lugar ay agad na babatakin ng towing truck.

Para mabawi ang mga sasakyang nabatak kailangan magbayad ng P3,800 daw para sa light vehicles; P5,000 sa vans and sports utility vehicles; P8,000 sa mga truck at iba pang heavy vehicles; at P2,800 sa public utility vehicles.

Gusto lang natin ipaalala kay MTPB chief, Dennis Alcoreza na paulit-ulit lang ang ganitong sistema. Paulit-ulit lang din ang pagsasamantala ng mga towing truck para madiskartehan ang mga may-ari ng sasakyan na kanilang ito-tow.

090916-manila-city-hall-mtpb

Baka sa huli, walang gawin ang mga towing truck kundi mambatak nang mambatak ng sasakyan para umareglo nang umareglo sa kanila.

Ang susunod na tanong natin, bakit ‘yung mga pambansang liwasan (national park) na mayroong monumento ng mga Dakilang Bayani gaya ni Gat Andres Bonifacio, hindi ipinagbabawal ang pagparada ng mga UV Express, kolorum na van at provincial buses?!

Kung ‘yung national shrine ni Gat Dr. Jose Rizal ay punong-puno ng paggalang at pagdakila sa pamamagitan ng pagtatalaga ng Honor Guards at pinanatili ang kalinisan sa ekta-ektaryang liwasan, bakit hindi sa Liwasang Bonifacio o sa Bonifacio Shrine na halos katabi lang ng Manila City Hall?!

Kung anong aliwalas ng Rizal Park at naging malaking isyu ang pambabastos sa sacred skyline ng Rizal monument  dahil sa isang “fotobam” na gusali, bakit hindi naging isyu ang kalunos-lunos na kalagayan ngayon ng Liwasang Bonifacio?!

Mabaho, marumi, naglaho na ang hilatsa nito bilang isang national park at naging kanlungan na lamang ng mga palaboy, solvent & rugby boys, at higt sa lahat kinonsinti at hinayaan na maging garahe ng mga UV Express, kolorum na van at provincial buses.

Ilang dekada nang tinatawag na illegal terminal ang nasabing lugar dahil hindi naman parking area ang Liwasang Bonifacio — ito ay isang o pambansang liwasan.

Ito rin ang dahilan kung bakit mahina ang bagong bukas na Southwest Integrated Provincial Terminal (SIPT) sa Macapagal Boulevard sa harap ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa Libertad St., Pasay City kahapon.

Nandoon na kasi ang SIPT ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) — ang opisyal na paradahan at terminal ng mga provincial buses patungong  Dasmariñas Cavite, Cavite City, Nasugbu, at Balayan, Batangas.

Maganda at makabuluhan ang layunin ng SIPT na ito at malaking tulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa Metro Manila.

Pero kung magiging kakompetensiya nila ang mga illegal terminal sa Metro Manila lalo na sa Maynila tiyak na maapektohan ang SIPT.

E ‘yung Park & Ride lang nga sa Mehan Garden pinabagsak ng illegal terminal sa Lawton, ‘yan pa kayang SIPT na malayo ang distansiya?!

Ipinagmamalaki nga pala ni Alcoreza na legal na daw ‘yang illegal terminal na ‘yan sa Lawton…

E saan at kanino pala napupunta ang hatag? Sa Manila city hall?

Nag-iisyu ba ang MTPB ng resibo tuwing magbabayad sa kanila ang mga driver ng mga sasakyang pumaparada riyan?!

Alam ba ng MMDA na legal na ang terminal diyan sa Liwasang Bonifacio?!

Higit sa lahat, nakatutulong ba sa programa ng MMDA na paluwagin ang trapiko sa Metro Manila kung papayagan na gawing terminal ng UV Express, kolorum na van at provincial buses ang isang Pambansang Liwasan?

Matagal nang isyu ‘yang illegal parking na ‘yan, dapat nang tuldukan!

C/INSP BUTSOY GUTIEREZ KARAPAT-DAPAT
SA MANILA POLICE INTEL & OPS UNIT NG MPD!
(ATTN: GEN. JIGZ CORONEL, GEN. OCA ALBAYALDE
AT C/PNP BATO DELA ROSA)

070316 MPD

‘Yan ang hiling ngayon ng nakararaming tauhan at opisyal ng Manila Police District (MPD), na mailagay sa puwesto ang karapat-dapat na naging BEST PCP commander of the year na si C/INSP BUTSOY GUTIEREZ at kanyang operatiba.

Intact ang grupo at subok sa lahat ng aksiyon lalo pagdating sa operasyon kontra droga. Hindi gaya ng iba na tutulog-tulog o sadya raw umiiwas sa trabaho riyan sa MPD HQ!

Patunay ang malalaking huli ng shabu pusher sa area ng Plaza Miranda sa Quiapo ng grupo ni Major Butsoy.

Kaya sila ang madalas na frontliner at itina-task ni MPD director C/Supt. JIGZ CORONEL ngayon sa mga anti-illegal drug operation sa iba’t ibang lugar sa lungsod katuwang ang MPD DSOU at DAID.

E bakit hindi pa pormal na hawakan ni Major Butchoy ang Manila Police Intel and Operating Unit ng MPD?!

Ang klase kasi ng trabahong pulis ng grupo ni Major Gutierez ang nararapat at kailangan ng liderato ni General Coronel sa MPD upang lalong lumakas ang giyera kontra sa ilegal na droga ng ating Pangulong Duterte.

Hindi gaya ng grupo ng isang alyas “Major Dayunyor” na puro delihensiya ang lakad at nagpapanggap na matinong pulis?!

Kaya kung gusto ni Gen. Coronel na maging matagumpay ang anti-criminality campaign ng MPD sa kamaynilaan ay huwag na siyang magpatumpik-tumpik na i-assign si Major Gutirez at mga tauhan sa MPD Intel & Ops unit!

Now na!

GOOD JOB QCPD
STATION 6!

080316 QCPD Eleazar

Gen.  Guillermo Lorenzo Eleazar
Chief Quezon City Police  Station

Sir:  Last April 23, 2017,  the bag of the undersigned  was snatched along Commonwealth Ave.,  vicinity of Saint Peter Parish Shrine of Leaders.

Included in the bag are vital documents of the undersigned and cash and checks. The incident was reported at station 6  Batasan Hills, Quezon City.

The undersigned was easily and readily assisted by the police assigned during that time. Due to the effort of the police there at the documents were recovered and  turned over to the undersigned last April 26, 2017  8:00am.

In view of the above, I would like to thank and commend  for a very good work done. They are the  following: PO1 Jayson Fernandez, PO1 Marlon Gu-Ban, CPO2 Josephine Lopez, CPO2 Alejandro Camacho

Thank you very much.
Respectfully yours,
OFELIA S. ALBANIA

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *