‘Lihim na bartolina’ sa MPD PS1 was not a secret jail?! (Supt. Roberto Domingo minalas na naputukan)
Jerry Yap
May 3, 2017
Bulabugin
IRERESPETO na lang siguro ni Supt. Roberto Domingo ang ‘Omerta’ sa likod ng ‘secret jail’ na ibinuyangyang ng Commission on Human Rights (CHR) sa pamumuno ni Commissioner Chito Gascon.
Sa isyung ito, dalawang punto ang gusto nating pansinin ng ating mga suking mambabasa.
Una — napakatalas naman ng pang-amoy ng CHR at ‘yung ‘bartolina o ‘secret jail’ sa MPD PS1 station ang ‘napagkatuwaan’ nilang ibuyangyang sa publiko.
(By the way, ayon sa isang pulis-uno na nakausap natin, may tinabla kasing nagsusuhol na isang kamag-anak ng pusher ang mga operatiba ng station one kaya ang ginawa ay gumanti at nagsumbong sa CHR)
Pero ‘yung mga nagsisiksikang inmates sa isang napakaliit na detention cell sa mga presinto at jail ay hindi man lang nila makalampag?
‘Yung binansagan nilang secret jail ay nagkaroon sila ng oras para bisitahin pero ‘yung mga lantad na detention cell sa bawat estasyon ng pulisya sa buong bansa ay hindi nila nabibisita gayong mayroon naman pala silang ‘visitation power.’
Wattafak!?
Iba ba talaga ang tinitingnan sa tinititigan CHR Chair Chit Gascon?!
Muntik na nga tayong maniwala na ang concern lang ninyo ay human rights violations pero bigla tayong napailing nang marinig natin na sinisi ninyo ang giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
Chairman Gascon, Sir, nasabi ba sa inyo ng inyong tipster na hindi sikreto ‘yang secret jail na ‘yan, ayon mismo sa mga pulis at kaanak ng mga nakakulong diyan?!
Kahit itanong pa ninyo kay Major “Dayunyor”!
Matagal na nilang alam ‘yan — bartolina noon, secret jail ngayon.
Minalas nga lang si Kernel Domingo na sa administrasyon niya pumutok ‘yan.
Pero kung gusto ninyong wakasan ang ganyang sistema, dapat ninyong busisiin kung kanino pa nag-umpisa ‘yang ‘aparador’ na ‘yan at kung paano nagpasalin-salin sa mga sumunod na station commanders.
Alam ba ninyo Chairman Gascon, gusto naming itanong: “Winter ba kayo?!”
Itanong ninyo kung bakit?!
Kasi ang pananaw ninyo sa ‘human rights’ parang winter snow na binubuhusan ng tubig para umagos kapag kailangan. Pagkatapos muli na namang titigas para maging yelo.
Ganyan po ang pananaw ninyo sa human rights — weder-weder lang.
Hik hik hik…
Ikalawa — bakit sa dami ng human rights violations (HRV) laban sa hanay ng mga mamamahayag, wala man lang naibuyangyang ang CHR?!
Chairman Gascon, subukan n’yo kayang alamin kung paano sinisikil ang karapatan ng mga mamamahayag ng mga balat-sibuyas na opisyal ng gobyerno at pulis kapag nakakanti sila?!
‘Yung mga ‘balat-sibuyas’ na pulis at barangay official na napakasipag maghain ng kasong libel kapag napupuna ang mga kamalasadohan nila sa kanilang posisyon.
Na mabilis namang isinasampa ng piskalya sa korte kahit walang probable cause.
At ‘yung korte naman, napakabilis maglabas ng arrest warrant kahit wala pang “information.”
‘Yan dapat ang binubusisi ninyo, Chairman Gascon!
‘Wag kayo, masyadong magpahalata, lumalabas ang ‘jaundice’ ninyo…
Ay sus!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap