INAMIN ng maintenance contractor ng Metro Rail Transit (MRT) 3 na hindi na nila kayang ikorek ang riles ng nasabing train system.
Tahasang inihayag ito ni Charles Perfecto, corporate secretary and legal counsel ng Busan Universal Rail Inc. (BURI), sa harap ng mga mamamahayag sa ipinatawag nilang press conference kamakalawa.
At kung pagbabasehan pa ang kanyang pahayag, hindi na kayang kunin sa repair ang riles ng MRT, sa halip, kailangan na itong baklasin nang buo para maiwasan ang palagiang ‘technical problem’ na sinasabi.
Wattafak!?
Inihalintulad ni Perfecto ang MRT3 sa mga ‘senior citizen’ na kailangan na lang umanong ‘asistehan’ pero ang buong sistema ay hindi na ganoon kaepektibo para maghatid ng mga pasahero.
Ang MRT-3 umano ay may 350,000 pasahero kapasidad kada araw pero sa aktuwal ay 500,000 pasahero ag sinisilbihan nito.
Wala namang bago rito pero ang napansin natin, bakit tila naghuhugas ng kamay ang BURI sa kanilang press conference?
Sabi pa ni Perfecto, “Not all glitches are maintenance issues, and not all of them are a failure.”
Wattafak!
Ganoon lang kabilis silang mag-rason na hindi inisip kung ano ang nangyari sa mga pasaherong naprehuwisyo ang araw dahil sa ikinakatuwiran nilang ‘technical problem.’

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com