Not in good mood talaga si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Cabinet meeting nitong Lunes ng hapon.
Masama talaga ang kanyang loob kapag nagkakaroon ng sirkumstansiya na kinailangan niyang ‘pumitas’ o ‘maglaglag’ ng mga taong pinagkatiwalaan niya at inaasahan niyang katuwang niya sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago pero sa huli ay ‘naliligwak’ dahil nasilaw sa kapangyarihang tinatamasa kapalit ng mga materyal na pakinabang.
Nakasilip kaya ng pagkakataon si Mike Sueno na bawiin ang malaking nawala sa kanya noong tumakbo siyang bise presidente ni Lito Osmeña sa ilalim ng Probinsiya Muna Development Initiative (PROMDI)?
He is the only one answerable to that!
Tingin natin ay naroon ang matinding pagkadesmaya ni Pangulong Digong.
Tsk tsk tsk…
Nauna si Peter Laviña, si Jun Yasay at ngayon ay si Mike Sueno. Para silang mga dahon sa puno na isa-isang nalalagas…
Pero sabi nga, sa bawat taglagas, may isang bagong umuusbong at ‘yun ang positibong bagay.
‘Nalagas’ sila dahil iyon ang hinihingi ng pagkakataon at kinakailangan.
Para kay Sir Mike Sueno, good luck on your next endeavour!
BUS TERMINAL
SA TUTUBAN
WALANG CR
SIR Jerry, ang alam po namin mahigpit na ipinag-uutos ng pamahalaan na ang lahat ng terminal ng bus lalo ‘yung malalayo ang biyahe ay kinakailangan maglagay ng comfort room bilang bahagi ng komportableng biyahe. Pero bakit po dito sa Tutuban na pinipilahan ng Baliwag Transit, German Espiritu, Aguila, RL at iba pa ‘e wala man lang CR para sa mga pasahero? Sino po ba ang dapat magpaalala sa mga establishment na dapat silang maglagay ng CR lalo na kung bus terminal? Salamat po.
– Concerned Commuter
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap