Saturday , May 10 2025

Himok ng CPP sa gov’t troops mag-stand down (Sa Mindanao)

UMAPELA ang Communist Party of the Philippines (CPP), sa pulisya at military units sa tatlong probinsiya ng Mindanao, na “mag-stand down” para sa pagpapalaya ng apat “prisoners of war.”

Ginawa ng CPP ang naturang panawagan, kasunod sa kanilang anunsiyo kamakalawa na bubuhayin nila ang unilateral ceasefire bago mag- 31 Marso.

Napag-alman, nakatakdang palayain ang apat bihag ng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Sur, Sultan Kudarat at Bukidnon.

“Their releases are being impeded by ongoing military and police operations in the area. The CPP urges the local commands of the AFP and PNP to stand down and coordinate with third-party facilitators to pave the way for the releases,” bahagi ng statement ng CPP.

Matatandaan, binuhay muli ng militar at pulisya ang kanilang mga operasyon laban sa NPA, makaraan alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idineklarang ceasefire ng gobyerno, at sinuspendi ang peace talks noong Pebrero.

Nitong buwan lamang ay inianunsiyo ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, na ang pagkikipag-usap ng gobyerno sa komunistang rebelde ay gugulong na muli.

Pahayag ito ni Dureza makaraan makipagpulong sa mga kinatawan mula sa National Democratic Front sa Utrecht, sa The Netherlands noong 11 Marso.

Samantala, inihayag kamakalawa ng NPA, kanila nang pinalaya ang dalawan miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na kanilang binihag.

Habang kinompirma ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, ang pagpapalaya kina CAFGU Active Auxiliary personnel Rene Doller, 34, at Carl Mark Nucos, 24-anyos.

About hataw tabloid

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *