Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Killer ni Ozu timbog

Killer ni Ozu timbog

ARESTADO ng mga pulis sa Quezon City, ang suspek sa pagpatay kay Marcelo “Ozu” Ong, miyembro ng Masculados, kahapon.

Batay sa sa report ng Quezon City Police District (QCPD), nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa presensiya ng suspek na si Kristopher Ernie, sa kanyang bahay sa North Fairview Subdivision.

Dahil armado at mapanganib ang suspek kaya’t agad silang nagsagawa ng surveillance sa lugar ,hanggang sa naaresto si Ernie.

Si Ernie ay may warrant of arrest, na inilabas ng Regional Trial Court Branch 70.

Bukod kay Ernie, arestado rin ang dalawa niyang kasamahan na sina Joselito Pangilinan at Reedlani Eclarenal, habang nakatakas isa pang kasama nilang si Dennis Franco.

Inilabas ang arrest warrant laban kay Ernie noong Nobyembre kaugnay ng carjacking incident, na ikinamatay ni Ong at seaman na si John Agbayani sa Angono, Rizal noong Agosto 2015.

Narekober kay Ernie ang isang caliber .45 pistol, isang fan knife, anim sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, at dalawang sasakyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …