Monday , November 25 2024

Tao pa ba ang turing sa inmates ng Cebu jail?!

Nalulungkot tayo sa naganap na pagpapahubad sa mga preso ng Cebu jail.

Ang alam natin, ang bawat detention cell, jail o penology ay may layuning tulungang makabalik ang isang preso sa normal na buhay sa kanilang paglaya.

Pero kung sa loob ng kulungan ay hindi sila itinuturing na tao, ano ang gagawin niya sa kanyang paglaya?

Hindi ang maramihang inspeksiyon sa hubo’t hubad na preso ang magpapatigil sa sindikato ng droga sa loob ng kulungan.

Ang kailangan dito ay matalas na intelligence network sa loob mismo at sa hanay mismo ng mga preso.

Kahit araw-araw pang paghubuin ang mga preso, o kung gusto ninyo huwag na ninyong damitan, e hindi pa rin matitigil ang operasyon ng mga ilegalista kung hindi masusukol kung sino ang puno, saan nagmula at higit sa lahat kung gaano na kalawak ang operasyon.

Kung malalim at matagal na ang operasyon, hindi rin ganoon kadaling mawawakasan ‘yan.

Higit nating kailangan ngayon ang mga ulong nag-iisip, hindi lakas ng braso na gagamitin sa pagmamalupit.

‘Yun lang po, PDEA-7 Director Yogi Filemon Ruiz!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *