Monday , November 25 2024

Anyare sa peace and order ng Maynila?!

NAALALA natin ‘yung isang joke tungkol sa peace and order.

Kaya raw magulo sa Maynila kasi ang alam lang gawin ng mga opis-yal ay puro order. Parang restaurant, order nang order lang — kaya raw walang peace?!

Wattafak!?

Sa totoo lang, sa nangyayari ngayon sa Maynila, magtataka pa tayo kung sa loob ng isang araw ay walang istorya ng saksakan, nakawan at holdapan.

Kumbaga, tinanggap na ng Maynila — ang pangunahing lungsod ng bansa — na ang kanilang siyudad ay lunsaran ng iba’t ibang uri ng krimen.

Nitong isang gabi (6:00 pm) lang, mismong ang lady barangay chairperson ng Barangay 200, Zone 18, sa  District II ng Maynila na si Net Acuña ay pinaslang malapit lang sa kanilang barangay hall sa Hermosa St., Tondo, Maynila.

Walang takot na pinagbababaril ng nag-iisang suspek ang lady barangay chairman na kasama pa ang kanyang ang isang kagawad, barangay treasurer, at isang tanod.

Katatapos lang nilang magkabit ng mga tarpaulin, nang gabing iyon. Ibig sabihin sa loob mismo ng kanyang teritoryo pinaslang ang barangay chairwoman.

As usual, hindi nadakip ang suspek na basta na lang sumibat at ni hindi masabi ng mga nakakita kung saang direksiyon pumunta.

Ganyan ba talaga ang police visibility sa Maynila?!

Hindi man lang makasindak ng mga kriminal?

Hindi man lang, napagdalawang-isip ang suspek para huwag nang ituloy ang kanilang balak?!

What’s happening to our city, C/Supt. Jigz Coronel?

Talaga bang mga police bagman lang ang puwedeng mamayani sa Maynila at hindi ang peace and order?

General Jigz, tiyakin mo naman ang peace and order sa Maynila… please?!

Huwag namang puro order lang?!

Let’s give peace and order a chance here in Manila…

Puwede ba, General Jigz!?

HAKOT DAW MGA
PUMUNTA SA LUNETA?

Gud am! Sir jerry, lahat ng nagpunta sa Luneta eh hinakot sa mga barangay dahil nagbaba ng memo ang DILG sa bawat brgy na inaatasan sila na magpadala ng mga tao sa nasabing rally kaya wag nilang ipagmalaki kung marami ang pumunta.  Ang problma pera na nman ni Juan dela Cruz ang ginastos, ‘yan po ang change is coming. Ramon ng Cubao. 

+639351633 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *