Monday , November 25 2024
shabu drug arrest

Operation Tokhang nais ibalik ng LGUs

MARAMING local government officials lalo sa hanay ng mga opisyal ng barangay na masidhi ang clamour na ibalik ang “Operation Tokhang” bilang suporta sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Isa na riyan si Laguna Liga ng mga Barangay president and ex-officio Board Member Lorenzo Zuñiga Jr.

Ayon mismo kay Pangulong Digong, tumaas na naman ang drug related crime sa bansa mula nang maging minimal ang operasyon laban sa ilegal na droga.

Ang nangyari kasi, tanging ang Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) na lamang ang nagsasagwa ng anti-illegal drugs operations matapos ang malaking eskandalong kinasangkutan ng ilang pulis at mga opisyal ng PNP sa pagpaslang sa isang Korean businessman.

Kaya siyempre, bumagal ang operation.

Hindi gaya rati, lahat ng estasyon ng pulisya at mga operatiba nila ay kalahok sa Operation Tokhang.

Kung limitado ang bilang ng mga operatiba sa war on drugs ng Pangulo, naturalmente, babagal ang kampanya kontra droga.

Kaya marami na namang mga ‘demonyo’ ang naglalakas ng loob na ipagpatuloy ang pagtutulak ng shabu.

Grabe naman kasi ang nangyari. Lumalabas na hindi naman war on drugs kundi war against ‘poor’ people. Inabuso nang todo ng mga lespu ang Operation Tokhang.

Marami ang naniniwala na karamihan ng mga pinaslang sa Operation Tokhang ay kilala ang mga lespu na sangkot sa ilegal na droga kaya nga sila ang inuna.

Bakit sa operasyon ng PDEA, wala namang nanlalaban? Walang nang-aagaw ng baril at hindi kabi-kabila ang tumbahan?!

Gusto tuloy natin maniwala na pinasok talaga ng mga galamay ng sindikato ng ilegal na droga ang Operation Tokhang para sirain ang kredebilidad ng kampanya ni Pangulong Digong.

Ngayon, sino ang tunay na apektado?!

Mga mamamayan na muling nag-aalala sa pagdami na naman ng mga nahahaling sa shabu at sunod-sunod na nakawan, holdapan, snatching at higit sa lahat, rape sa mga kawawang bata.

Marami na naman ang nangangamba lalo na ‘yung mga umuuwi nang alanganing oras mula sa kanilang mga trabaho, sa paaralan, sa training at sa iba pang aktibidad.

Puwede namang ibalik ang Operation Tokhang, pero sana maging estrikto sa pagpapatupad ng ulitmong layunin nito.

Pasukuin ang mga puwedeng i-rehab at sampahan ng kaso ang mga tulak lalo na ‘yung mga bigtime tulak.

At higit sa lahat, huwag na sanang puro dakdak lang si Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Piliin ang mga police official na mapagkakatiwalaan sa war on drugs ng ating Pangulo!

‘Yun lang!

PAGING: PDEA

GOOD am po Sir Jerry isumbong ko lang po dto samin lugar sa Katuparan Vitas, Tondo, Manila sa Bldg. 3, 2 and 1. Talamak po ang bentahan ng droga rito. Ang dami pusher at user. Sana po maaksiyonan agad ito. Salamat po.

+63929294 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *