Monday , November 25 2024

Jim Paredes masyadong affected sa Duterte admin?!

SABI ng isang eksperto, isa sa mga nagpapabagal sa pag-unlad ng ating bansa ay kahinaan ng mga opisyal na lider at naglilider-lideran na tanggapin at kilalanin ang namamayaning katotohanan.

Sabi nga, kung hindi kayang tanggapin ang umiiral na katotohanan at kinakaharap na kondisyon sa kasalukuyan, tiyak hindi rin makapaglalapat nang angkop na aksiyon sa isang sitwasyon.

Isa na nga rito ang napaka-bitter na reaksiyon ni Mr. Jim Paredes na para bang pag-aari niya ang Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) nang itaboy ang mga kabataang iniidolo si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Naghulas ang pagiging Atenean ng mamang inidolong tunay ang henyong si Apolinario Mabini (kay Mabini po nanggaling ang pangalan ng kanilang banda na Apo(linario Mabini) Hiking Society).

Masyado yatang nakabubulag ang ‘makinang’ na dilawan ng kanyang inidolong mag-ina at hindi na niya nakuhang irespeto ang paniniwala ng ilang kabataan.

Ano ba ang nagawa ng idol na mag-mommy ni Mr. Jim Paredes sa ating bansa?

Pinabalik at pinatatag lang nila ang Kamaganak Inc. di ba?

Demokrasya?

Wattafak!?

Ganyan ba ang alam mong demokrasya, manindak at mam-bully ng mga kabataan?!

Gusto tuloy natin itanong kung napatitulohan na ba ni Jim Paredes ang EDSA para maging pag-aari ng Liberal Party kaya nagkaroon siya ng lisensiya na paalisin, laitin at itaboy ang mga kabataang nagpapahayag ng kanilang damdamin na nagkataong salungat sa kanila?!

‘E sa totoo lang, mobilisasyon lang naman ng bitter na mga miyembro at kasalukuyang opisyal ng LP ang mga nagpunta sa EDSA nitong 25 Pebrero.

Kabilang na nga riyan ang bitter at napaka-emosyonal na si Jim Paredes.

Kagaya ng aktres at multi-artist na si Elizabeth Oropesa, hindi ko maubos-isipin kung bakit parang naghulas ang mga kagandahang-asal na puwedeng matutuhan ni Jim Paredes sa Ateneo.

O baka naman wala talagang tumimo sa kanyang isipan?!

Akala yata ni Mr. Jim Paredes, natakot sa kanya ‘yung mga kabataan.

‘E kung babasahin ang kanilang mga mata, takang-taka talaga sila at parang gustong matawa sa inaasal ng mama.

Hahaha!

Parang batang maaagawan ng patotot sa larong patintero!

Wahahaha!

Umayos ka nga, Mr. Jim Paredes!

Kahiya-hiya ka!

Look at yourself!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *