Monday , November 25 2024

Oportunista at manggagantsong barkers/solicitors sa NAIA terminals pinalayas na ni GM Ed Monreal

ISA itong magandang balita sa lahat ng pasahero sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dahil sa rami na ng reklamo, na kinabibilangan ng masamang karanasan ng isang buntis at ng pinsan niya na siningil nang P300 kada kilometro at kinuha pa ang iPhone5, naubos ang pasensiya at pag-asa ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na masusuheto pa niya ang mga transport barkers o solicitors sa NAIA.

Siyempre, alam naman ni GM Monreal na kailangan nila ng hanapbuhay pero mukhang ayaw ng mga barker at solicitors nang malinis na kita.

Ang gusto nila ay easy money.

‘Yun bang tipong isang pasahero lang, solve na ang isang linggong tosgas nila, may goodtime pa at may bago pang gadgets.

Grabe namang pagka-oportunista niyan.

Mas mabuti ngang i-ban na lang ang mga barker at solicitors. Ang ultimong layunin naman rito ni GM Monreal ay kaligtasan ng mga pasahero lalo na ‘yung overseas Filipino workers (OFWs) na madalas nabibiktima.

Nambibiktima rin sila ng mga foreign tourist pero mas mdalas ‘yung mga bagito lang. Kapag mga foreigner na sanay na at pabalik-balik na sa bansa, hindi na nila kayang lokohin ‘yun.

Saka marami na ring hotel ang naglalaan ng shuttle para sa kanilang mga patrons and clients.

Kaya mas madalas na biktima nitong mga barker at solicitors ‘e ‘yung mga turista, kababayan pa nating OFWs o kaya ‘yung mga kaanak nila.

Sa matitinong, barker at solicitor, wala tayong magagawa, kinakailangang mapatino ang sistema sa NAIA para rin sa ikagaganda ng imahen ng ating bansa.

Dapat ay dinisiplina rin ninyo ang inyong sariling hanay nang sa gayon ay hindi kayo naapektohan.

Kay GM Monreal, ngayon pa lang ay natutuwa na ang mga pasahero sa NAIA.

Mabuhay ka GM Ed Monreal.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *