Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Totoy napisak sa truck

PISAK ang katawan  ng isang 13-anyos binatilyo makaraan masagasaan ng truck nang mahulog habang naglalambitin sa nasabing sasakyan sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Mark Harold Ba-tula, Grade 7 at residente ng 30-7 Camia St., Brgy. Maysilo, hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon.

Nakapiit na sa him-pilan ng pulisya ang truck driver na si Rene Bajar, 39, ng M.H. Del Pilar St., kanto ng Tongco St., Brgy. Maysilo.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Arnel Sinahon, ng Malabon Police Traffic Unit, dakong 2:00 pm, nakita ng saksing si Julito Macalinao, 13, ang biktima habang naglalambitin sa kanang bahagi ng Isuzu dump truck (RJG-264) na minamaneho ni Bajar.

Habang tinatahak ng truck ang kahabaan ng M.H. Del Pilar St. ay na-kabitaw ang biktima kaya nahulog at nagulungan ng nasabing sasakyan.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …