Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bombera patay sa sakal ng dyowang may warshock

PATAY ang isang babaeng miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) makaraan sakalin ng kanyang kalive-in partner na dating sundalo na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police deputy chief, Supt. Ferdie Del Rosario ang biktimang si Ely Ann Insigne, 28-anyos, nakatalaga sa Valenzuela City BFP at residente ng 677 A. Marulas  St., Bgy. 36 ng lungsod.

Habang naaresto ng mga pulis ang suspek na si Dexter Tulaylay, 27-anyos, natanggal sa serbisyo sa pag-AWOL.

Sa ulat nina SPO4 Joel Montebon at PO2 Alvin Pascual, dakong 7:30 am nang maganap ang insidente sa loob ng inuupahang bahay ng mag-asawa.

Salaysay sa pulisya ng mga saksing kapitbahay na sina Michelle Mañaol  at Catherine Borillo, sinabi sa kanila ng suspek na may patay sa loob ng kanilang bahay at nang kanilang tingnan ay nakitang wala nang buhay ang biktima.

Inamin ng suspek ang pagpatay sa biktima sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg.

“Inalay ko po siya sa itaas,” pahayag ni Tulaylay.

Hinala ng mga pulis, posibleng naapektohan ang pag-iisip ng suspek dahil sa warshock.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …