Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oro, flop na, binawian pa ng permit to exhibit

ANG daming delayed reaction doon sa ginawang “dog slaughter” sa isang pelikula sa MMFF. Minsan naaawa na rin kami sa director at producers ng pelikulang iyon, dahil hindi lamang pinigil ang showing ng kanilang pelikula habang hindi nila naaalis ang eksena na malupit na pinatay ang isang aso, banned pa sila sa film festival sa susunod na pagkakataon kung mayroon pa ngang festival.

Lahat halos ng mga artista nagre-react sa kanila. Mayroon pang nagsabing tatandaan niya ang mga pangalan ng director, producer at mga production people ng pelikulang iyon. Ibig siguro niyang sabihin ay hindi siya makikipagtrabaho sa mga iyon kung sakali.

Iyong pelikula naman, bago pa iyang controversy na iyan, talagang flop na sa takilya. Nangyari pa iyang mga panawagang iyan na huwag silang panoorin dahil sa marahas na pagkatay nila sa isang aso, paano pa nga ba maipalalabas ang pelikula nila saan man? Sino pa nga ba ang manonood?

Sino pa ang makakaalam kung tama ngang best actress si Irma Adlawan eh hindi na mapapanood ang kanyang pelikula? Sino pa ang makapagsasabi kung mas tama nga si Mercedes Cabral kaysa kay Mother Lily Monteverde sa kanyang paniniwala? Flop na ang pelikula, binawian pa ng permit to exhibit ng MTRCB at ngayon nababanatan pa nang husto. Sorry na lang sila.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …