Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
aiai delas alas

Ai Ai, balik-Star Cinema, pelikulang gagawin, kasado na

KUNG totoong kasado na ang planong paggawang muli ni Ai Ai de las Alas ng pelikula sa Star Cinema, totoo rin ang kapaniwalaan na sa mundong ito’y walang permanenteng bagay maliban sa pagbabago.

Sariwa pa kasi sa alaala natin ang namuong tensiyon kay Ai Ai at ng nasabing film company around this time last year. Hindi kasi matanggap ni Ai Ai ang press release ng Star Cinema na kinabog ng MMFF entry nitong Beauty & the Bestie ang ipinanlaban naman nila ni Vic Sotto.

Ano nga ba ‘yung pamosong linya ni Ai Ai na tiyempong nasa ibang bansa siya in defiance of Star Cinema? “Karma is a bitch!”, kung natatandaan n’yo pa.

Naging isang malaking isyu ‘yon na nakamatayan na ng direktor na si Wenn Deramas, pero hindi ‘yon nabura sa isip ng publiko coming from Ai Ai na natural na may axe to grind laban sa pinanggalingang estasyon.

Now here comes the news tungkol sa gagawin niyang film project under Star Cinema brokered by her manager Boy Abunda.

Nalimutan na rin yata ng pamunuan ng Star Cinema ang nakaraan nito with Ai Ai, forging partnership anew.

Natawa lang kami sa development na ito.  In this world kung saan sinasabi nga nating there are neither permanent friends nor enemies except change, ang laging nananatili ay interes na kailangang protektahan kesehodang burado ang prinsipyo.

Haaay…

( RONNIE CARRASCO III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …