Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

9 pulis sibak sa pagnanakaw

SIYAM pulis na miyembro ng Caloocan Police Station Anti-Illegal Drugs (SAID) na nahuli  sa close circuit television (CCTV) habang ninanakawan ang isang drug suspect sa Brgy. 187 Tala, ang sinibak sa puwesto ni Northern Police District (NPD) Director, Senior Supt. Roberto Fajardo.

Agad inutusan ni Fajardo si Senior Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, na tanggalan ng service pistol at police badge ang mga pulis na sina SPO2 Noli Albis, SPO2 Remigio Valderama, PO2 Jay Jano, PO2 Benedict Antaran, PO2 John Francis Taganas, PO1 John Ray Dela Cruz, PO1 Carlomar Donato, PO1 Alexander Buhayo at PO1 Rodie Germina.

Ang mga pulis ay sinampa-han ng kasong administratibo at kriminal. Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Emilia Calanday, hi-nihinalang sangkot sa droga, ng Barrio Santo Niño, Brgy. 187 Tala, sinabing sapilitang pumasok sa kanyang Toyota Innova (JBU-434) ang mga pulis at ninakaw ang kanyang mga gamit.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …