Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Members of the Armed Forces of the Philippines (AFP) mobs President Rodrigo R. Duterte after delivering his speech at the AFP Medical Center (AFPMC) in V. Luna Street, Barangay Piñahan, Quezon City on August 2. ROBINSON NIÑAL/PPD

No coup plot vs Duterte — AFP exec

INIHAYAG ng opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon, walang nagpaplanong ng kudeta mula sa kanilang hanay para patalsikin ang Commander-in-chief mula sa tungkulin.

Ang pahayag na ito ng opisyal na tumangging magpabanggit ng pangalan, ay kasunod nang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangan maglunsad ng kudeta ang military personnel na hindi sumasang-ayon sa kanyang anti-US policy.

“We have no statement. There is no threat of any coup whatsoever and the President has said this many times before,” pahayag ng high-ranking official ng AFP.

Nitong Biyernes, nanawagan si Pangulong duterte sa military at sibilyan na hindi sumasang-ayon sa kanyang foreign policy na humiwalay sa Amerika, na puntahan siya sa Malacañang at ipapasa mismo niya sa kanila ang pamumuno sa gobyerno.

“‘Yung mga military who do not agree with me because they think I’m closing my ties with America… Alam mo kasi mga sundalo natin most of them talagang nag schooling yan… Pupunta ng Amerika yan kasi nag aral yan dun,” pahayag ng pa-ngulo.

“And if the military or the police thinks… No need for a coup d’etat. God, you are wasting your bullet. Go to Malacanang, we’ll have coffee and I myself will swear you to run the republic and solve the problem,” aniya pa.

Samantala, sinabi ni Presidential spokesperson Ernesto Abella, hindi binabalewala ng Palasyo ang ano mang tsismis kaugnay sa bantang kudeta at malawakang demostrasyon laban kay Duterte.

“I think the President has a very firm grasp of ‘yung ano, what is, being able to separate the chapter between kung ano talaga ‘yung may laman, ano ‘yung tunay at saka ‘yun pong ingay lang so … wala po tayong minamaliit na mga bali-balita,” pahayag ni Abella.

“Pero ang ano po is… the President truly is confident in his role as President tsaka ‘yung trust na ibinibigay sa kanya ng mga tao at tsaka ‘yung the integrity of what he’s doing, ‘yung kanya pong purpose, ‘yung kanyang direksiyon bilang Presidente po,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …