Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
explode grenade

Pamangkin ni Drilon sabit sa grenade blast?

ILOILO CITY- Ang mismong pamangkin ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon ang pinaniniwalaang naghagis ng granada malapit sa bahay ng senador sa Brgy. East Baluarte, Molo, Iloilo City kamakalawa.

Ayon sa impormasyon, si Kitt Drilon Gregorio, lider ng Rampage Gang, ang nagpasabog ng granada sa Skate Park sa nasabing lugar, isang menor de edad ang sugatan at nasira ang isang motorsiklong naka-park sa lugar maging ang dingding ng kapitbahay ng senador.

Si Kitt ay anak ng kapatid ni Sen. Drilon na si Eleanor Drilon–Gregorio, manager ng Government Service Insurance System (GSIS) Iloilo.

Samantala, pinabibilis ni Iloilo City Police Office (ICPO) Director Police, Senior Supt. Remus Zacharias Canieso ang imbestigasyon sa insidente na ang gang ang pangunahing suspek.

Ipinatawag ng mga awtoridad ang pamangkin ng senador upang kunan ng pahayag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …