Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

What’s next for Senator Leila ‘Sweetie’ De Lima?

HALOS patapos na ang pagdinig sa Kamara.

Kaugnay ito ng sinasabing drug trade sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) noong panahon ni Justice Secretary Leila De Lima.

Sa huling araw ng pagdinig nitong Lunes, maraming bumilib sa tinawag na king of drug lords na si Jaybee Sebastian.

Sa estilo ng pagsasalita at presentasyon ni Sebastian ng mga pangyayari na nag-uugnay kay De Lima sa illegal drug trade sa Bilibid.

Tahasang sinabi ni Sebastian na nagbenta siya ng malakihang bulto ng shabu sa loob ng Bilibid dahil kailangan niyang magbigay ng pera kay De Lima para sa pondong gagamitin sa eleksiyon.

Walang gatol ang mga kuwento ni Jaybee at talagang hindi siya mapagbibintangan na nagsisinungaling o nag-iimbento ng kuwento dahil napaka-vivid ng kanyang memorya.

At sabi nga ng ilang mambabatas, nagkakatugma ang mga kuwento ni Jaybee sa iba pang naunang nagbigay ng pahayag tungkol sa illegal drug trade sa Bilibid.

Sa ganang atin, bumilib din tayo sa galing at talas ni Sebastian. Hindi nakapagtatakang kayang-kaya niyang pamunuan ang Sigue-sigue Sputnik gang.

Pero ang gusto sana nating makita ay ‘yung mga konkretong ebidensiya o hard evidence kung paano umiikot o nag-o-operate ang illegal drug trade.

Paano nakapapasok at paano naipakakalat ang droga sa buong bansa?

Mayroon bang bank deposit slip na nagpapatunay na nagbibigay sila nang milyon-milyon kay De Lima?!

092416-nbp-jaybee-de-lima

Ang mga itinuturo nilang papa at popsie ni Madam Leila na at the same time ay ginagawa niyang bagman?!

Bukod sa word of endearment na ‘sweetie’ at mainit na holding hands kay Joenel Sanchez, wala na bang iba?!

Mayroon ba talagang nagaganap na umpugan ng yagbols kina Ronnie Dayan at Warren Cristobal?!

Kakaiba rin talaga ang pagiging hot momma ni Madam?!

Hehehehe…

Kahapon, opisyal na naghain ng asunto sina VACC chief Dante Jimenez at Atty. Ferdinand Topac ‘este’ Topacio laban kay De Lima at sa pitong iba pa na itinuturong sangkot sa illegal drug trade sa Bilibid.

Kasama sa mga sinampahan ng asuntong paglabag sa Republic Act 9165 sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III; dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu; ang mga security aides ni De Lima na sina Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jose Adrian Dera alias Jad De Vera; ang staff ni Bucayu at sinabing bagman na si Col. Wilfredo Ely; at ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian

Ginamit na basehan ng VACC sa pag-asunto ang testimonya nina dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos at inmate Herbert Colanggo.

Sa kaso ni De Lima, klaro umano na ginamit niya ang kapangyarihan para maipuwesto ang mga taong ginagamit niya para sa pagmamaniobra ng drug trade.

Pero nagtawa lang si De Lima, dapat daw sa Ombudsman isinampa ang asunto.

Mga suki, hindi pa tapos ang drama-rama ni De Lima, abangan at tutukan pa natin ang mga susunod na kabanata alang-alang sa bayan.

AMLC NATUTULOG SA PANSITAN
SA NAGAGANAP
NA DRUG TRADE SA FILIPINAS

101216-amlc-money

NAKATULOG ba o talagang nganga lang ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa nabulgar na illegal drug trade sa loob ng Bilibid?!

Nagtataka kasi tayo kung bakit walang kibo ang AMLC gayong pinag-uusapan na milyon-milyong salapi ang pumapasok sa kaban o sa banko ni dating justice secretary Leila De Lima.

Hindi man nakapangalan iyon kay De Lima, hindi ba nag-uulat ang mga banko sa AMLC kung mayroong nagdedeposito nang milyon-milyon sa isang bank account?!

Hindi man lang ba nagre-report ang mga banko sa AMLC sa mga ganitong milyones na transaksiyon sa loob ng Bilibid?!

Aba, ano ang silbi ng AMLC kung hindi naman regular na nag-uulat sa kanila ang mga banko?!

AMLC dapat ang unang nakapag-monitor ng malalaking halaga na ‘yan pero nauna pang magbuyangyang sa publiko si Jaybee Sebastian sa nagaganap na illegal drug trade sa Bilibid.

Sandamakmak na bank accounts na gina-gamit ng drug lords sa Bilibid para sa kalakalan ng shabu.

E ano pa pala ang papel ng AMLC kung hindi sila nakatutulong sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga?

Busisiin nga ‘yan AMLC!

P2-M PATONG SA ULO
NG NINJA COPS
MULA KAY DIGONG

101116-duterte-pnp-police

Personal na nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng halagang P2-M bilang patong sa ulo ng isang Ninja cops.

Maraming salamat, Mr. President!

Palagay natin ‘e maraming matitimbog na Ninja cops lalo na sa Maynila kung magpapatuloy ang kampanya na ‘yan ni Pangulong Digong.

Lalo na ‘yang notoryus na ‘intelihensiya group’ noon ng MPD na pinamumunuan ng isang Kupitan?!

Isa sa mga expose ni Jaybee Sebastian sa kamara, na isa sa source ng shabu ng mga drug lords ay mga Ninja cops na nagre-recycle ng mga huli nilang shabu.

Nawa’y makatulong ang P2-milyong patong sa ulo ng Ninja cops mula sa Pangulo para tulu-yang mawalis ang mga scalawag sa hanay ng pulisya.

Tiyak maraming Ninja cops ang makakalawit ni Tatay Digong!

REACTION SA CHANGE IS COMING

CHANGE is coming. Hehehe campaign slogan ni Digong akmang-akma sa pagkatao niya at ugali kapag sinabi niya ngaun bukas kailangan baguhin ng mga alipores niya kc taking out of context daw ang dalas nya magbago ‘di ba? Kaya nga change is coming. OK ba Ka Jerry? Ramon ng QC.

+63918622 – – – –

WALA NANG TIWALA KAY DELIMA

BULAG cguro tayo o bingi pag di natin ma-apreciate ang gnagwa ng pangulo, ikaw Sen. De Lima kalaban ka na 2loy ng taong bayan. Walang naniniwala sa inyo ni Sonny. As in nothing to believe you.

+639502142 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *