Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Erpat ni manong kongresman nagpupumilit maisaksak sa Duterte admin

MATALAS ang pang-amoy ng isang congressional erpat kaya’t mabilis na nakasiksik sa pakpak ng Duterte administration.

Hindi natin tinatawaran ang determinasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang ating pamahalaan.

Ang siste lang, mayroon talagang makakapal ang mukha at tila linta sa katindihang sumipsip kaya nasilip agad ang isang bakanteng puwesto sa Philippine Ports Authority (PPA).

‘Yung anak kasing si manong kongresman ni erpat, e maagang nakatalon sa lumulubog na bangka ng dating administrasyon kaya mabilis na ‘nakasampay’ sa Duterte administration.

Dati raw nakapuwesto sa isang puerto ng Bureau of Customs (BoC) si erpat. Bukod sa nasa retirable age na, ‘e alam nang lahat na nakasandok na ng sandamakmak na kuwarta.

Sabi nga ng mga stakeholder noon sa puertong napuwestohan ni erpat, ‘e matindi raw talaga.

101116-blind-item-congress-customs-ppa

Kahit ang mga contractor na bigay-hilig, nagreklamo rin sa kahidhiran sa kuwarta no’ng erpat.

Ibang klase raw kasi ang lifestyle…

Kumbaga, puwede nang magretiro at maging maligaya sa nalalabi pang araw niya sa mundo.

Pero hindi raw nauubos ang kasuwapangan ng erpat. Parang dynastical ang kahidhiran sa puwesto at sa kuwarta ng erpat ni manong kongresman.

Naka-buenas pa nang lagay na ‘yun dahil ayos na raw ang papeles at naghihintay na lang ng opisyal na appointment mula sa Malacañang.

Kapag opisyal na raw ang appointment, aba, titiba nang malaki si erpat ng kongresman dahil malalaking proyekto ng PPA ang pahahawakan sa kanya?!

Kumbaga sa suwelas ng sapatos, si erpat ni manong kongresman ‘e subok na makapal, subok na matibay (ang sikmura).

Executive Secretary Salvador “Bingbong” Medialdea, Sir, baka malusutan si PDU30 nang ganitong klaseng linta, puwede bang pakihigpitan ang pagsala!?

VOLUNTARY ‘PITSAAN’ DEPORTATION
SA 154 ILLEGAL CHINESE WORKERS
(ATTN: SOJ VITALIANO AGUIRRE)

070516 immigration

ISANG malaking bulilyaso at anomalya ang nangyari nito lang nakaraang linggo matapos ang Bureau of Immigration Board of Commissioners (BI-BOC) meeting nang mabuking nina BI Commissioners Jaime Morente, Al Argosino at Michael Robles ang tangkang pagpapalusot na maging voluntary deportation imbes i-charge for summary deportation ang 154 Chinese nationals na dinakip sa isang illegal online gaming sa Clark, Pampanga!

Mahigpit ang instruction ng tatlong commissioners na i-charge for summary deportation ang sandamakmak na Tsekwang working without visa pero sa hindi malamang dahilan ay voluntary deportation ang isinubo sa kanila ng mga illegal ‘este’ legal officers ng bureau na nag-handle ng naturang kaso?!

Wattafak!

Sa mga hindi nakaiintindi ng diperensiya ng dalawa, pareho lang po ang proseso ng summary deportation at voluntary deportation.

In fact, mas mabuti nga sana kung summary deportation ang mangyayari sa isang banyagang may paglabag dahil mas mabilis ang proseso ng kanyang deportation.

Pero malalagay ang pangalan mo sa blacklist status ng Immigration.

At kapag Blacklisted, it would take some time bago ma-lift upon the recommendation of the BI-BOC.

Sa hindi rin malamang dahilan, inaaabot nang hanggang anim na buwan bago mapirmahan ang isang summary deportation order sa isang dayuhan kaya habang waiting ‘e kulong muna sa BI bicutan detention cell.

Samantalang kung voluntary deportation order (VDO) nga naman, hindi lalabas na “Blacklist” ang isang nagkasalang foreigner at madali pang makababalik sa kanilang bansa!

Itong VDO ang madalas i-offer ng ilang Immigration liars ‘este lawyers na humahawak nang ganitong kaso sa BI if the price is right.

Magkano ‘este paano nangyayari ang ganitong maniobrahan?!

Anyare?!

Agad umanong ipinatawag si OIC-Executive Director Vicente Kabisote ‘este Uncad na siyang tumatayong Board Secretary ng BOC.

S’yempre nandiyan na raw ang kanya-kanyang turuan at sisihan but in the end isang kawawang staff, naturalmente ang nasisi at napagdiskitahan?!

Nakowwss! Lumang style na ‘yan!

Knowing the people who now surround Commissioner Jaime Morente and taking in-charge at OCOM, basagan tayo ng yagbols kung walang alam ang tatlong abogadong bugok na tulisan diyan?!

Imagine kung lumusot ang nasabing VDO maliwanag na milyones ang kikitain sa nasabing transaksiyon!

May info nga tayo na nakapag-advance na nga raw ng 2 MANSANAS sa dalawang abogado ang handler ng mga Chinese na ‘yan?!

At ang ‘cashunduan’ diyan ay P50K kada ulo para sa VDO kaya suma total tumataginting na P77M?!

Grabe!

Para rin palang pera sa Bilibid ‘yan?!

Sa nangyayaring tangkang palusutan diyan hindi ba dapat na matsugi na ang mga dating henchmen ni pabebe boy na nakapaligid kay Commissioner Morente?!

Kailan kaya magigising si Morente?!

HINDI MAILAWAN ANG MGA POSTE
DAHIL NO SHOW SI ERAP!?

101116-lamp-post-ilaw

KA JERRY, magandang araw po. Report ko po ang napakadilim na lugar namin tuwing gabi dito sa Gagalangin, Juan Luna, Antipolo at iba pang sanga-sangang kalsada at eskinita. Sa kahabaan ng Solis St. Ka Jerry ay maraming mga bagong gawa na poste ng ilaw na parang flag pole ang kapal ng bakal na poste. Proyekto raw ng Manila City Hall. Magkano po kaya ang kinita ng mga MANDA (rambong) at MANGU (ngupit) sa proyekto na ‘yan Ka Jerry? Hindi naman mapakinabangan ng mga residente kahit ilang linggo nang nakatayo dahil hinihintay pa raw si ERAP. Mayroon ngang balita na dapat ay Oct. 7 raw ang PAILAW na nakapaskil pa ang napakalaking mukha at pangalan ni ERAP pero walang dumating o hindi natuloy ang pagpapailaw sa hindi malamang kadahilanan o baka may hangover o sakit si ERAP kaya’t nakatanga o natengga ang pailaw sa madilim na lansangan kaya malayang nakagagala ang mga gang na notoryus na mga holdaper at tirador ng motorsiklo at mga adik sa Tondo Ka Jerry.

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *