Monday , December 23 2024

Raket ng ‘bata’ ni Erap pinaiimbestigahan sa NBI

SOBRANG kapal at labnaw din naman talaga ang utak ng ilang konsuhol ‘este konsehal na nagsasabing kaalyado raw sila ni Mayor Erap Estrada.

Para lang magkapitsa, pati si Erap handa nilang sagasaan at ilubog.

Umpisahan natin sa simula.

May mga naglabasang balita kamakailan lang tungkol sa pangingikil ng isang grupo ng mga kasalukuyan at ‘ex’ na konsehal sa mga night club, bar, KTV at iba pa, na humihingi ang grupo ng mga corrupt ng P30,000 hanggang P60,000 buwanang payola.

Kapag ‘di nagbigay, harassment ang katapat hanggang maipasara.

Bukod pa riyan ang libreng inom, lamon, babae at pati parking.

Halos 100 porsiyento na positive ang isinulat ni Ms. Itchie Cabayan sa kanyang kolum sa People’s Journal tungkol sa masamang bisyo nitong mga alagad ni Yorme Erap.

Anim umano ang miyembro ng nasabing grupo. Ang apat ay kasalukuyang konsehal at dalawa ay extortion ‘este ex-councilor.

Ang lider ay ‘yung isa sa dalawang ex-councilor na nangangalandakang siya ngayon ang pinakamatigas sa City Hall.

‘Pag sinabi raw niya, parang sinabi na rin ni Erap. May letter ‘D’ at ‘A’ sa pangalan niya at wala raw pinagkakaabalahan kundi maghanap ng pitsa gamit ang pangalan ni Erap at gawan ng kaaway sa kabubulong na si ganito at si ganyan ay ‘bata ni Lim.’

Anyway, dahil sa naglabasang balita na buong konseho ang nagiging masama sa paningin ng publiko, nag-request na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Konsehal Bernie Ang na maimbestigahan ang isyu at kilalanin ang mga walanghiyang konsehal para hindi lahat nadadamay.

Para mabigyan ng dahilan at legalidad na ituloy nila ang kanilang ‘pagbwisita’ sa mga hinuhuthutang establishment, gumawa ng resolusyon ang mga hinayupak na kailangan daw inspeksiyonin ng konseho at i-regulate ang operasyon ng mga establishment sa Maynila dahil sa malaganap na ilegal na sugal at prostitusyon sa lungsod.

Wattafak?!

Ibig sabihin, inaamin nilang inutil ang administrasyon ni Erap sa mga nasabing problema kaya kailangan pa nilang makialam?

Mas magaling pa sila kay Erap, ganon?!

Hindi pa ‘yan. Alinsunod daw sa kampanya ng national government ang kanilang hakbang.

Sonabagan!!!

Ibig bang sabihin, kailangan nang pumasok ng national government sa Maynila para lang matapos ang problema ng prostitusyon at illegal gambling dahil nga hindi kaya ni Erap?

Sa mga nasabing konsehal, isa lang ang maliwanag. Hindi na bale sa kanila na magmukhang tanga at palpak ang kaalyado nilang si Erap maituloy lang ang kanilang pangingikil.

‘Pag ganyan rin lang ang mga klase ng kaalyado, hindi na kailangan ng kaaway.

Anong say ninyo Yorme Erap, diyan sa mga nagpapakilalang ‘bata’ mo?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *