Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. tours and introduced incoming PCOO Secretary Martin Andanar in Malacañang to the Malacañang Press Corps and other offices on June 6, 2016. Andanar is a TV5 newsman before he was appointed by President Elect Rodrigo Duterte. (photo by Richard V. Viñas)
Destabilization dapat bang patulan ni PCO Sec. Martin Andanar? (Baliw lang ang mag-iisip n’yan!)
Jerry Yap
September 22, 2016
Bulabugin
TUWING bago ang administrasyon laging may tsismis na destabilisasyon.
‘Yan ‘e mula nang mawala ang martial law, laging nagkakaroon ng tsismis na destabilization.
Hindi naman tayo presidente ng Filipinas pero siyempre ang normal na reaksiyon diyan ng isang namumuno, ‘e agad ipatawag ang kanyang chief of staff at intelligence chief para imbestigahan kung saan nanggagaling ang ‘usok.’
Isa pang puwedeng konsultahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ‘e ang kanyang national security adviser na si Gen. Hermogenes Esperon.
Puwede kasing ang ‘usok’ ay mula sa palito ng posporo dahil may nagsindi ng sigarilyo o puwede namang nagsisimulang ‘kalat-kalat na apoy’ mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Puwede rin naman na pagkatahi-tahimik pero bigla na lang lalagab-lab ang apoy.
Ito ang dapat na tinitiyak ng national security adviser.
At habang nag-iimbestiga, hindi dapat nagpuputak-putak sa media si Secretary Martin Andanar. Kung ang Presidential Communications Office (PCO) ang nagsasalita tungkol sa destabilization, ‘e di parang parang tumutulong pa siya sa pagpapaputok ng isyung ‘yan?
O hindi kaya sina-psy-war tayo ni Paandar ‘este’ Andanar?!
Ibig nating sabihin, magbigay man ng statement si Secretary Andanar na mayroon o walang destabilization, ang resulta, pag-uusapan pa rin ‘yan.
Secretary Andanar, hindi mo ba alam ‘yung sinasabing ‘kill the story?’
Ayon nga kay Gen. Esperon sa Kapihan sa Manila Bay media forum kahapon, ang banta ng destabilization ay hindi nawawala, laging mayroon ‘yan.
Pero kung gagawin ito sa administrasyon ni Pangulong Duterte, hindi umano hinog ang kalagayan.
Naniniwala tayo riyan.
Si Digong ay ibinoto ng 16 milyong Filipino at hanggang sa kasalukuyan, ‘yang 16 milyon na ‘yan ay sila mismong nagtatanggol sa Pangulo.
Ang kampanya ng Pangulo ay nakatuon laban sa mga pusakal na kriminal — hindi siya nag-isip kahit kailan na gantihan ang mga nakalaban niya sa politika noong nakaraang eleksiyon.
Ang tingin natin dito, mayroong mga kumakalaban na ‘pumasok’ sa kampanya ng Pangulo laban sa ilegal na droga gamit ang isyu ng human rights at extrajudicial killings, kaya ngayon ay nakakaladkad sila sa isyu.
Ang maigting na kampanya ba para sa pagsugpo ng kriminalidad gaya ng ilegal na droga ay rason para magkaroon ng destabilisasyon laban sa Duterte administration?!
Puwes, kung rason nga ‘yan, kombinsidong-kombinsido tayo na mga narco-politicians mismo ang ugat ng destabilisasyon na ‘yan.
At kung ganyan nga ang situwasyon, si Pangulong Duterte ay nasa tamang landas para durugin ang mga tunay na salot sa lipunan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap
Check Also
ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …
ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …
ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …
ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …
ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …