Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai, ipinagtanggol si Jason sa pamamagitan ng open letter

GUMAWA ng  open letter si Melai Cantiveros sa kanyang Instagram account para ipagtanggol ang asawang si Jason Francisco laban sa kanyang bashers. Ito ay may kinalalaman sa ginawang pag-amin ni Jason na hiwalay na sila ni Melai dahil sa pagseselos kay Carlo Aquino na siyang nakapareha ni Melai sa katatapos lang na serye nilang We Will Survive.

Sabi ni Melia sa message niya sa kanyang IG account, “Ang asawa ko ang pinaka-best na asawa sa lahat. Walang bisyo, ‘di umiinom, ‘di nagyoyosi. Kami lang ang bisyo ng asawa ko. Good provider ‘yan at kami lang ang inuuna niyan kahit kanino man.

“Kaya ganun-ganun na lang niya kami kamahal. Ramdam na ramdam namin ni Mela (anak nila ni Jason) yun. Overprotective siya sa amin sa lahat ng bagay.”

”Sa mga mag-asawa, pagdadaanan talaga ang mga pagsubok at ang pagsubok ay unlimited. Kaya sa mga nagba-bash sa asawa ko, kung may respeto kayo sa relasyon namin, sa akin, sana ay tigilan niyo na at kami lang din ang makakaayos nito.

“Kung wala man kayong magandang sabihin, wag na lang kayo pumindot at manakit. Hindi niyo kilala asawa ko at di niyo alam kung saan siya nanggagaling. I’m sure lahat tayo may ganun. Kaya sana tigilan niyo na ang pag-judge sa aking bana. Kasi kung masasaktan ang aking bana, mas masasaktan ako  Double at triple pa ang sakit na nararamdaman ko. Mas sobra pa kay Mela kung mababasa niya ang comment ninyo.”

“May mga mali at tama, pero time will heal all wounds. Walang kampihan at di kailangan ng kampihan kung sino dito kasi di naman kami magkaaway. MAG-ASAWA po kami.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …