Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, ‘di totoong ‘inilaglag’ si Maine

ISA lang si Alden Richards sa mga artistang may pagpapahalaga sa  press. Tumatanaw siya ng ulang na loob sa mga ito na nakatulong sa kanyang career mula noong nag-uumpisa pa lamang siya sa showbiz hanggang ngayon na sikat na sikat na siya.

Kaya bilang pasasalamat, nagbigay siya ng thanksgiving party cum presscon na ginanap noong isang araw. Ang lahat ng invited press, isa na kami roon, ay binigyan niya ng mga produkto na ini-endorse niya at napakarami niyon huh!

Kaya naman umuwi kaming lahat na may ngiti sa aming mga labi.

Kinuha namin ang reaksiyon ni Alden tungkol sa ilang fans nila ni Maine Mendoza na nagtatampo sa kanya dahil pumunta siya sa birthday party ni Cristy Fermin.

Inilaglag daw niya si Maine. Dapat daw ay hindi siya pumunta roon dahil lagi raw nagsusulat si Tita Cristy ng negative kay Maine.

Ayon sa paliwanag ni Alden, ginawa niya raw ‘yun bilang bahagi ng PR niya o pakikisama since isa rin daw si Tita Cristy sa member ng press. At sana raw ay naiintindihan siya ng kanilang fans. Huwag na raw sanang magtampo sa kanya ang mga ito.

Ibinalita naman ni Alden na magkakaroon na uli siya ng album at may gagawin silang serye ni Maine.

ni ROMMEL PLACENTE

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …