Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

From bus to airbus?! (Simula ng pag-angat ng laylayan ni Leni)

NANG huling sumakay sa bus si Leni pauwi sa Naga, nagparamdam na siya na parang gusto na niyang sumakay sa eroplano.

Kasi nga mayroon pang news story na lumabas, na marami raw ang nag-aalala para sa kanya ngayong vice president na siya ng Republic of the Philippines.

Hindi na raw safe para sa kanilang mag-iina ang sumakay sa bus.

Sabi pa niya, mahal ang pasahe sa eroplano patungong Naga, aabutin daw ng P9,000. ‘E apat daw silang uuwi kaya kung bibili siya ng tiket na P9,000 kada isa para sa apat, puwede na raw niyang arkilahin ‘yung buong bus.

Kumbaga namamahalan si Madam Leni.

Pero dahil sa paalala ng kanyang mga constituent, gagawa daw siya ng ibang paraan at iisipin niya kung paano sila makauuwi sa Naga sa matipid na paraan. Mahirap din daw kasi kung private car. Hindi raw kagandahan at hindi safe ang kalsada pauwi sa kanila.

Pero Kamakailan, nag-trending sa social media at nabalitaan natin na sumakay ng charter plane si Madam Leni pauwi o galing sa Naga.

‘Yun naman pala.

From bus to airbus…Whee…

Gusto tuloy natin isipin, bahagi rin ba ng media hype ni Madam Leni ‘yung pagsakay-sakay niya sa bus na nakukuhaan ng picture?

073116 Leni Robredo plane

At ‘yung pagdaan niya sa likod ng Kongreso na napiktyuran rin?!

Bahagi ba ‘yun ng media hype Madam Leni?

‘Yan ba ang style para iangat ang sinasabi mong mga nasa laylayan?!

Hindi ba emotional blackmail rin ‘yung style ninyo na kunwari ay ayaw ninyong mag-eroplano pero kailangan kuno for security reasons?

‘Yung tipong, gusto n’yo naman talaga mag-eroplano pero, kunwari nahihiya kayo dahil mahal ang pasahe?!

Alam n’yo Madam VP, inirerespeto namin ang boto ng sambayanan, pero kung parang jino-joke n’yo lang ang feelings of concern nila sa inyo, hindi ‘ata maganda ‘yan.

Be honest.

Huwag po ninyong paglaruan ang paghanga at pag-aalala nila sa inyo.

Kung gusto ninyong mag-eroplano, mag-eroplano kayo. Karapatan po ninyo ‘yan.

Pero huwag ninyong sabihin na kaya kayo sumakay sa eroplano ‘e dahil ‘yun ang gusto o concern ng supporters ninyo.

Gayahin mo na lang si Pangulong Digong, walang maraming paeklat kapag umuuwi siya sa Davao.

‘Yun lang po.

e-SABONG, e-CASINO ISAMA
SA IPATITIGIL NI PAGCOR CHAIR DIDI

070216 duterte pagcor domingo

Mahigpit na raw talaga ang order ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa e-gambling.

Inutusan na niya si PAGCOR chairman Andrea “Didi” Domingo na kanselahin ang permiso nang lahat ng e-games.

Naku Madam PAGCOR Chair Didi Domingo, marami po ang natuwa nang umpisahan ninyong kanselahin ang PAGCOR permit ng mga e-Games na ‘yan.

Marami na po kasing nalululong pati kabataan diyan.

‘Yung ang katuwiran ‘e, ‘pamalengke’ lang, pero sa totoo lang pang-isang buwan budget sa groceries na ang naipatalo.

Anak ng e-Games talaga!

E puwede bang isama na rin sa mga paiimbestigahan at ipahihinto nyo ‘e ‘yung e-Sabong at e-Casino?!

Alam po ba ninyo kung bakit?

Aba, kahit po mga foreigner, lalo na ‘yung mga Chinese ‘e nakatataya sa e-Sabong at e-Casino.

Siyempre kapag nanalo sila, automatic na lilipad ang kuwarta natin palabas ng bansa.

Nagkamal ng salapi pero hindi man lang nabuwisan.

‘Yan po ang malaking disbentaha ng e-Games, e-Sabong at e-Casino sa ating ekonomiya.

Sana po ay ipabusisi na agad-agad ni Pangulong Duterte kay Madam Didi ‘yang Sabong-online at e-Casino na ‘yan sa loob ng mga casino.

Go Madam Didi, go!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *