Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Makupad na hustisya kay GMA

ANG bentaha sa pagkakakulong ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang kanyang asawa ay kabilang sa maimpluwensiyang buena familia.

Kaya kahit politikal ang dahilan ng hospital arrest niya sa loob ng anim na taon, masasabi nating hindi siya nakaranas ng pang-aabuso, pambabastos o paninikil mula sa mga pulis na nakatalaga para siya ay bantayan.

Baka nga nakapag-established pa siya ng rapport sa kanila at sa darating na panahon ay magsasalita na ‘mabuti’ o ‘mabait’ na tao si GMA at biktima lang siya ng politika.

Ang disbentaha, kitang-kita na napakabagal ng hustisya sa ating bansa.

Mantakin ninyong makulong sa loob ng isang kuwarto sa isang ospital sa loob ng anim na taon nang walang sapat na dahilan?

Wattahek!

Matagal na nating tinalakay sa ating kolum na ang asuntong Plunder laban kay GMA ay mahina.

Bukod sa mahina ang mga ginamit na basehan sa pagsasampa ng kasong plunder, lalo pa itong pinahina nang payagan mismo ng Sandiganbayan ang kanyang mga kaasunto (PCSO officials) na maghain ng piyansa.

Pero ang dating Pangulo ay hindi hinayaang magpiyansa…

Bakit!? High risk ba siya?

072016 supreme court GMA

Hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot ang tanong na sino ba talaga ang may discretion sa paglalabas ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)?

Hindi ba’t mayroong mga opisyal ang nasabing ahensiya?! E di sila ang unang dapat managot?

Pero bakit hindi lahat?!

Diyan natin mapatutunayan, hindi talaga puwedeng husgahan ang isang tao.

Si Pangulong Rodrigo Duterte na kinaiinisan ng alta sosyedad dahil palamura, macho, brusko at inakalang walang respeto sa babae ay instrumento ngayon ng ‘paghihilom’ at tila ‘adhesive’ para sa pagkakaisa ng bansa.

Nawa’y magtagumpay si Pangulong Digong sa pamumuno sa ating bansa sa konseptong pluralismo o pagbibigay ng puwesto sa lahat ng political group — from rightist, ultra rightist, leftist, centrist, social democrats, Christian democrats, Lumads, Moro etc.

Sa simula pa lang, sinabi niyang hindi siya magiging benggador.

Kaya naman ang kanyang unang hakbang, tanggapin sa kanyang Gabinete si VP Leni Robredo.

Kung hindi niya kaya binigyan ng puwesto sa Gabinete si Leni, maging maluwag kaya ang pagtanggap nila sa pagpapalaya kay GMA?!

Baka nanguna pa sa pagra-rally si PNoy at Roland Llamas. At malamang magdadadakdak sa Senado si Risa Hontiveros.

Hindi talaga natin kailangan ang immature, spoiled brat at kapos sa karanasang presidente.

Ang kailangan natin ay hinog na lider at hindi mapakla, kahit sitenta anyos na, ang importante may wisyo sa pagdedesisyon.

Ang pagpapalaya kay GMA ay isang hakbang para sa paghihilom…

People of the Philippines, let’s move on!

TULAK NG CELEBRITIES AT SHOWBIZ
PERSONALITIES DAPAT NANG TUGISIN!
(Paging PNP Chief DG Ronald “Bato” Dela Rosa)

070216 ronald bato dela rosa pnp

Isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ni Philippine National Police (PNP) chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga bigtime drug pusher na ang target market ay mga celebrity at showbiz personalities.

Paki-check n’yo lang po ang isang reliable info na ipinadala sa atin na isang alias GIN PAS-KUAL na itinuturong supplier ng kahit anong illegal na droga sa mga ta-artits.

Kumbaga, name it and he have it — shabu, cocaine, ecstacy.

Celebrities and showbiz personalities ang target ni alias Gin Pazkual dahil alam niyang kakagat sa kanya sa kahit magkanong presyo.

Puwede pa niyang ma-blackmail ang kanyang mga parokyano.

Paki-check lang po, DG Bato Dela Rosa dahil marami na pong naitutulak ‘yan sa pagkapariwara.

Hustisya na rin po sa mga artistang nabiktima nito!

VENDOR SA MAYNILA
KINIKIKILAN NG P3 MILYON!?

072116 manila kikil

Tatlong milyon piso (3M) ang tinangkang makikil umano ng isang empleyado sa Manila city hall mula sa  100 organized vendors na naghahanapbuhay sa Sta. Cruz, Maynila.

Hinaing ni ASGHAR S. DATUMANONG pangulo ng samahan ng CHAIRMAN MUSLIM COORDINATING COUNCIL FOR PEACE & DEVELOPMENT ASSOCIATION INC. (MMCCPDA INC ) ay ginigipit silang 100 vendors na may 122 stall sa kahabaan ng Rizal Avenue hanggang sa Carriedo to Ronquillo streets sa Sta Cruz ng isang nagpapakilalang empeyado na alias JO WEE,  taga-Civil Registry Office daw.

Nagtataka sila kung bakit sila ginigipit gayong aprubado naman ng Alkalde ang kanilang organized vending stall sa nasabing lugar noon.

Pero mula nang hindi nila maibigay ang kinikikil na tatlong milyon piso ay biglang pina-phase out nitong alias JO WEE ang 122 stalls at hindi na sila pinayagan makapaghanapbuhay sa nasabing lugar.

At kung maibibigay ang nasabing halaga na kinikikil ng empleyado ng Manila city hall, saka lang daw maibabalik ang kanilang 122 stalls sa nasabing lugar.

Sonabagan!!!

Nabatid pa ni Datumanong, may tatlong Manila city hall officials ang nakipagsabwatan umano kay alias Jowee para pahirapan ang mga vendor.

Mga Leche talaga!!!

Ang gandang pagbabago pala nito para sa  pobreng vendors sa Maynila?!

MMDA, LTO & LTFRB TIYOPE
SA LAWTON ILLEGAL TERMINAL

070916 Lawton park MMDA HPG LTO LTFRB

SIR, puro pasikat lang MMDA, LTO at LTFRB sa TV, pero ‘yun illegal terminal at colorum sa Lawton hindi nla magalaw. Halatang naka-payola rin cla dyan.

+63916739 – – – –

BUMILIB KAY SEC. TUGADE
AT GM MONREAL

070316 miaa naia

Mr. Yap, bilib kami dto kay Sec. Tugade at GM Monreal, sa halip na sisihin ang PNoy administration sa runway problem sa airport ay humingi pa sila ng paumanhin sa mga manlalakabay/pasahero na naapektohan.

+639188228  – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *