Thursday , December 19 2024

Biker todas sa truck

PATAY ang isang lalaki nang masagi ang sinasakyan niyang  bisikleta nang rumaragsang truck sa Caloocan  City kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Eugenio Tugawin, 57, residente ng 4297 Diam St., Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Agad naaresto ang suspek na driver ng Isuzu van (NWQ-598) na si Ronniedel Francisco, 27, residente sa Luis Diez St., Meycauayan, Bulacan, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 6 a.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng EDSA sa pagitan ng Biglang Awa St., hanggang Balintawak.

Nagtangkang tumakas ang suspek ngunit hinabol ng MMDA motor rider na si Henry Ocampo kaya agad naaresto.

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *