Friday , November 22 2024

Comelec ‘Kotong’ Checkpoint sa Maynila

Boundary!

‘Yan ang reaksiyon ng ilang motorista at mga kabulabog natin sa MPD HQ sa ilang Comelec checkpoint na nakalatag sa Kamaynilaan.

Nitong mga nakaraang araw, marami tayong text at reklamo na natanggap sa ilang boy-sita-pitsa ng MPD sa kanilang Comelec checkpoint.

Number one na inirereklamo sa atin ang ABAD SANTOS PCP malapit sa Recto, Divisoria na pinamumunuan ng isang punyente ‘este’ Tinyente Linggit.

One-two punch umano ang tirada-paninita ng nasabing PCP.

Paboritong lugar nila, ‘yung malapit sa mga Chinese school at sa kanto ng Bambang St., at Abad Santos Ave., tuwing gabi hanggang madaling araw.

Boundary nga raw ang isang alias TATA DC sa kanilang pangongotong.

Simple lang ang modus, maninita ng mga naka-motorsiklo at tricycle dahil sila ang ma-daling hanapan ng butas.

Gugulatin ang biktima at saka papasok si alias TATA DC a.k.a. Boy hilot para diskartehan ang makokotong nila.

Sonabagan!!!

Ang bokadilya pa ng tarantadong TATA DC, depende sa violation ang areglohan sa kanila. Mismong kamag-anak ng isang barangay chairman na sakay ng tricycle na nasita sa kotong checkpoint, ang nakaranas kung paano nila kikilan ang pobreng driver.

Nakitaan kasi ng isang kutsilyo na gamit sa pagputol ng lubid sa kanilang lona.

Nanindigan ang barangay chairman na hindi holdap ang lakad ng tricycle driver sa dalang kutsilyo pero tablado pa rin at pinitsa pa rin ng pulis kotong?!

May nakitang tatlong libo sa bulsa ng trike driver, mantakin ninyong sabihin na: “Ito lang ba ang naholdap mo?” sabay bulsa ng isang tarantadong pulis sa pera.

P******A!!!

P100k ang unang hirit para hindi na sampahan ng katakot-takot na kaso kuno at nagtawaran hanggang madaling araw na umabot sa P20 mil na lang.

Walang nagawa ang biktima kundi maghatag na lang kaysa makasuhan pa siya ng mga demonyong pulis.

Pasalamat na nga lang daw siya at nandoon si Chairman kung hindi baka nataniman pa ng droga?!

Isa pa itong SIBAMA PCP na kinatatakutan rin ang latag na Comelec ‘kotong’ checkpoint.

Kinatatakutan hindi sa higpit ng checkpoint kundi sa talim ng mata at pagkarga ng violation sa motorcycle riders!

P100 piso kada trycicle na dumaan sa kanila?!

MPD district director Gen. Rolly Nana, narinig mo ba ang sinabi ni Pres. Rody Duterte sa mga mangongotong na pulis!?

Hihintayin pa ba na si Digong ang umaksiyon laban sa mga tiwaling pulis ninyo?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *