Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grand Slam ng Alaska pinag-uusapan na

ISANG  tunay na sportsman na maituturing si Alaska Milk team owner Wilfred Steven Uytengsu.

Bilang patunay nito, hindi pa tapos ang Game Six ng Finals ng PBA Commissioner’s Cup sa pagitan ng Aces at Rain Or Shine ay tinanggap na ni Uytengsu ang pagkatalo.

May isang minuto at 22 segundo pa ang nalalabi nang tumayo siya sa kanyang kinauupuan sa likod ng Aces at nagtungo sa lugar kung saan nakaupo naman ang mga may-ari ng Rain Or Shine na sina Terry Que at Raymond Yu. Kinamayan niya ang mga ito at binati.

Iyon ang ‘class act’ na maituturing.

Sa totoo lang, masakit na ito para kay Uytengsu dahil tatlong sunod na conferences na silang sumesegunda.

Hindi ba’t pumangalawa din sila sa San Miguel Beer sa Governors Cup noong nakaraang taon. At sa nakalipas na Philippine Cup Finals ay nilamangan nila ang Beermen, 3-0 sa best-of-seven series. pero nakabalik ang San Miguel at nanalo sa huling apat na laro upang magkampeon.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon sa kahit anong liga sa buong mundo na nakabalik pa sa 0-3 ang isang koponan at nakamit ang kampeonato. Masaklap iyon. Pangit para sa Alaska Milk na sila ang nabiktima.

At ngayon nga ay muntik pa silang mawalis ng Rain Or Shine gayong mas higher seed silang nagtapos sa elimination round.

Pero siyempre, kunsuwelo na rin para sa Alaska Milk na imbes na mawalis ay nakadalawang panalo pa sila. Kinapos na lang sila sa dakong huli.

Ang biruan nga ngayon ay ang posibilidad na makakumpleto ng Grand Slam ang Alaska Milk. Hindi nga makakakumpleto ng Grand Slam ang San Miguel pero magagawa ito ng Aces.  Ang siste ay Grand Slam second place.

Papayag ba ang Alaska Milk nun. Papayag ba si Uytengsu na mangyari iyon. Mas masakit iyon hindi ba? Hindi mo makakalimutan ang isang season kung saan tatlong beses kang puwedeng magkampeon pero hindi mo nagawa!

Tiyak na gagawin ni Uytengsu at ni Alaska Milk coach Alex Compton ang lahat para hindi na muling maulit ang pagsegundo at makoronahan naman sa pagtatapos ng season!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …