Monday , December 23 2024

Paalala kay Mayor Digong: Mag-Ingat sa mga bangaw

KAHAPON, pumutok sa iba’t ibang sektor ang pangalan ng kung sino-sinong tao na ang sabi ay itatalaga raw ni President-elect, Ma-yor Rodrigo Duterte sa mga vital agencies at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Kaya nga ang daming lumipad patungong Davao mula pa nitong Biyernes hanggang kahapon ng umaga.

Simpleng-simpleng lang ang rason, ‘yun bang parang bangaw na makadapo sa ulo o sa ilong at makabulong sa tenga ni Digong…

Para makasungkit ng puwesto.

Para nga raw, inauguration na kung makaporma ang sandamakmak na gustong umepal.

Bigla nga tayong napausal ng dasal…iadya po ninyo si Mayor Digong laban sa mga taong mahilig lang sa poder pero puro sulsol at sariling bulsa lang ang kayang asikasuhin.

Bukod pa ‘yan na kung hindi man galing sa Recto ‘e fly-by-night ang credentials.

Simpleng paalala lang po ‘yan Mayor Digong.

Kunsabagay, mukhang alam naman ninyo ang kasabihan — ang ilog na maingay, masyadong mababaw.

‘Yun lang po.

PNoy, Butch Abad et al pinaglalaanan na ng wheelchair at selda? Arayku! (The cycle of political vendetta)

Hindi pa pormal na nagtatapos ang termino ni Pangulong Noynoy ay pinuputakti na siya ng katakot-takot na asunto.

Nauna na ang asuntong treason and espionage dahil umano sa back-channel talks sa China kaugnay ng isyu sa Scarborough Shoal at Spratly Islands.

Nakapila na rin ang asuntong Plunder dahil sa ilegal na paggamit ng Priority Development Assistance Funds (PDAF).

Lalo na’t idineklara ng Supreme Court na ang PDAF ay hindi naaayon sa itinatadhana ng batas kaya malinaw na ito ay ilegal.

Ilang asunto kaya ng Plunder ang aabutin ni PNoy diyan at lahat ng sangkot sa pagpapasasa ng PDAF?!

Nakikini-kinita na natin, parang siya naman ang papalit sa puwesto ni PGMA.

Kumbaga, kung ano ang ginawa niya kay PGMA, tiyak na mararanasan rin niya pagkatapos ng kanyang termino.

Hindi natin inaabsuwelto si PGMA sa kanyang mga pagkukulang bilang Pangulo, pero ang pinag-uusapan dito kung paano dumaan sa due process.

‘Yun bang hindi ‘yung tinatawag na ‘niluto.’

At hindi rin siyempre mabubura ang isyu sa ginawang impeachment kay dating chief justice Renato Corona.

Ang P10-billion PDAF scam na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaasunto ang mga sangkot na kasapi ng Liberal Party.

Ano na ang nangyari sa mga dapat sampahan ng kaso?!

Hindi kaya nanganganib din si Madam Conchita Carpio-Morales?!

Tsk tsk tsk…

Dapat nang mag-isip-isip si PNoy ngayon pa lang kung ano ag kanyang gagawin para huwag siyang matulad kay PGMA.

Malamang maubos ang natitira niyang buhok sa kaiisip kung ano ang kanyang dapat gawin upang huwag siyang makalaboso.

 ‘Yun na!

Lim naglibot at nagpasalamat sa Maynila

KA JERRY, kahit natalo si Mayor Alfredo S. Lim ay naglibot cya sa anim (6) na  distrito ng Maynila upang magpasalamat sa mamamayan ng Maynila na bumoto sa kanya. Pero si Mayor ERAP ay ‘di man lang nagpapasalamat sa mga bumoto sa kanya at sa pulis siya nagpapasalamat. +63917992 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *