Friday , November 22 2024

Palpak na naman ang Comelec! (May bago ba?)

DESMAYADO pa rin ang marami nating kababayan, kabilang na po ang inyong lingkod sa serbisyo at sistema ng Commission on Elections (Comelec).

Paulit-ulit at laging sinasabi ng Comelec bago mag-eleksiyon, magkakaroon daw ng accessible voting precinct para sa senior citizens at people with disability (PWD) sa lahat ng voting centers.

Marami ang natuwa sa sinabing ito ng Comelec. Marami rin ang umasa — na sana’y magkatotoo dahil bago na ang namumuno rito.

Pero sonabagan, hindi nagkatotoo! Waley!!!

Walang special polling precinct para sa senior citizens at PWDs!

Maraming PWDs at senior citizen ang pinaakyat sa matataas na polling precinct.

Kaya marami tuloy na gustong makaboto sana ang hindi na umakyat at umuwi na lamang.

Kaysa nga naman kung ano pa ang mangyari sa kanila, kaya umuwi na lang sila.

Pero ‘yung mga nagpumilit na gampanan ang tungkulin nila bilang mga mamamayan na nagmamahal sa bayan, kahit hirap na hirap umakyat sa hagdan ay pinilit nilang makaboto.

‘Yung iba naman, nagpabuhat na lang para makaboto.

Matindi rin kasi talaga si Chairman Andres Bautista, mula sa umpisa ay walang inasikaso kundi ang pitsa ‘este’ palpak na SMARTMATIC.

Kaya pagdating ng araw ng halalan, palpak pa rin.

Late rin dumating ang mga vote counting machines (VCM) sa ilang presinto.

‘Yung mga maaga namang dumating, nang isaksak ang balota, hindi ma-scan. Kaya paulit-ulit na sinubukan at nang hindi umubra, pinalitan ang VCM kaya naantala rin ang botohan.

Nagkaroon ng kaguluhan sa ilang voting precincts dahil as usual, maraming pangalan ang nawawala.

‘Yun naman ibang VCM ay hindi makapaglabas ng resibo!

Wattafak!

Hanggang ngayon ba, existing pa rin ang problema na ‘yan?!

Remote na remote!

Anyway, hindi lang naman po mga ordinary citizen ang nakaranas ng kapalpakan ng Comelec.

Kami man pong mga taga-media ay biktima rin ng palpak na serbisyo. Mantakin ninyong ma-tagal na kaming nag-apply para sa election media pass ‘e hanggang kahapon, wala pa rin kaming ID from Comelec?!

Ibang klase rin kasi si Direcotr James Jiminez, masyadong puro daldal ‘este’ busy.

Abalang-abala sa maraming gawain at kasasagot at kadedepensa sa isyu ng palpak na serbisyo ng SMARTMATIC.

Hindi tuloy natin alam kung spokesperson ba siya ng Comelec o spokesperson ng SMARTMA-TIC?!

Tsk tsk tsk…

‘Yung isang head staff naman diyan na tumanda na sa trabaho niya, puro alibi lang ang sagot sa mga taga-media na hindi nila naisyuhan ng ID.

Mantakin ninyo a-nueve de Mayo na, nag-iisyu pa raw ng ID?!

Sino pa ang gagamit ng ID na ‘yan?!

As usual, sa kabuuan, palpak pa rin talaga ang Comelec.

Good luck na good luck talaga Philippine election 2016!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *