Friday , November 22 2024

Danny Cuneta, Onie Bayona & Ding Santos patok na mga konsehal para sa Pasay City

SA susunod na Lunes, Mayo 8, boboto na tayo.

Iboboto natin ang mga kandidatong sa ating palagay ay nararapat para sa kanilang posisyon na inililigaw sa ating mga botante.

Sa Pasay City, mayroon po tayong irerekomenda na sa ating palagay ay karapat-dapat para maglingkod sa mga Pasayeño.

Kapag ibinigay ninyo ang inyong boto sa kanila, hindi kayo mabibigo dahil tiyak na sila ay magtatrabaho para sa kapakanan ng mga mamama-yan at ng lungsod.

Unahin po natin si DANNY CUNETA, anak ng dati at yumaong Mayor na si Pablo Cuneta, itinuturing na ama ng Pasay City.

Ang expertise ni Danny Cuneta ay pamamahala at pagpapaunlad ng Casino sa ilalim ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Naniniwala si Cuneta na ang tagumpay sa bawat negosyo ay nakasalalay sa liderato at karisma ng isang leader, teamwork, nagkakaisang pana-naw at nagkaka-iisang direksiyon ng mga empleyado.

Kaya mula sa pagiging Casino dealer noong 1981 sa edad na 21 anyos, sa Philippine Village Hotel sa ilalim ng Philippine Casino Operators Corporation, si Cuneta ay nagretirong General Manager ng Casino Filipino Tagaytay noong nakaraang taon, 2015.

Nang isilang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong 1986, naipakita ni Cuneta ang  kanyang husay at dedikasyon sa trabaho sa pa-mamagitan ng paghawak sa iba’t ibang posisyon sa Casino gaya ng Senior Dealer noong 1988, Pit Supervisor noong 1989, Pit Manager noong 1994; at Casino Shift Manager noong 2000.

Naging bahagi rin siya ng pool of Gaming Trainers noong 1990 hanggang 1991 bilang Pit Supervisor.

Matapos ang tatlong taon bilang Casino Shift Manager, siya ay itinalagang Acting Branch Ma-nager ng Casino Filipino Olongapo noong 2003 at naging full pledge Branch Manager noong November 2003. Sa ilalim ng pamamahala ni Cuneta, tumaas ang kita ng Casino at naabot nito ang sa-vings sa OPEX budget.

Noong November 21, 2004, pinamahalaan ni Cuneta ang pinakamalaking branch ng Pagcor sa probinsiya – Casino Filipino Cebu. Wala pang limang taon, napataas ni Cuneta ang average daily customers’ attendance mula sa 1,200 noong 2004 hanggang 3,600 noong 2009. Naabot din ng Casino Filipino Cebu ang maraming record breaking income performances nang sumirit mula P1.25 bilyon noong 2004 hanggang P2.080-B noong 2009.

Ang peak ng kanyang career ay kanyang naabot nang siya ay maging General Manager noong August 12, 2008. Dahil sa nasabing achievements, si Cuneta ay itinalagang General Manager ng Casino Filipino Pavilion noong November 5, 2009. Gaya sa iba niyang pinamahalaan, naabot din ng  Casino Filipino Pavilion ang kanilang income target.

Kasunod nito siya ay inilipat sa Casino Filipino Tagaytay noong Abril 24, 2014 bago ang kanyang early retirement noong May 02, 2015 sa edad na 55-anyos.

Sa kanyang pagreretiro, alam ni Danny Cuneta na mayroon pa siyang maiaambag na pagli-lingkod sa mga Pasayeño kaya nagpasya siyang tumakbo bilang Konsehal.

Subukan naman natin ang bago, huwag naman tayong mahirati sa luma kaya isama sa inyong balota — DANNY CUNETA!

Ang kaibigang DING SANTOS, panahon na upang makababawi naman ang mga taga-Pasay sa kanya. Kahit hindi kandidato at wala sa puwesto hindi nanghihinawa sa pagtulong ang ating kaibigang si Ding.

Huwag sayangin ang iniluluhog niyang serbisyo, panahon na para iluklok siya bilang Konsehal ng Pasay — huwag po ninyong ka-limutan — DING SANTOS, ang inyong kaibi-gan.

At ang nagbabalik na si ONIE BAYONA— subok at wala na tayong hahanapin pa.

Muli nating ibalik sa Konseho ng Pasay si Onie Bayona.

Nakasisiguro tayo na sa tatlong Konsehal na ito ay makikinabang ang mga taga-Pasay!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *