Tuesday , March 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez

Regine lie low na sa showbiz, huling concert na sa Oktubre

RATED R
ni Rommel Gonzales

HULING major concert na ni Regine Velasquez ang magaganap sa Oktubre ngayong taon.

Kinompirma ito mismo ni Regine sa panayam sa kanya, magre-retire na ang Asia’s Songbird.

Although may mga gagawin pa rin naman siyang projects hanggang 2027 ay unti-unti na siyang magla-lie low sa showbiz, lalo na sa mga malakihan o major concerts.

I still have mga project next year and then eventually I retire. Simple lang.

“Sabi ng asawa ko retirement means naman not really stopping altogether.

“It means doing whatever it is that you wanna do. But it frees me from ‘yung pressure of trying to please everyone, which I like.”

Pinag-iisipan pa rin niya kung ano ang gagawin kapag retired na.

“Kasi ‘di ba, ‘yung concept ng retirement is ‘yung tumunganga ka na lang sa bahay mo.

“Parang ayoko rin naman iyon, parang, ‘Anong gagawin ko?’ Hindi rin ako sanay niyon.

“Kasi I kept thinking, ‘What I’m gonna do next if I retire?’

“Parang I have to find something to do, parang… mananahi ba ako? Parang kailangan kong bumili ng sewing machine?

“ I don’t know…

“But I need to find something to do.”

Ayon pa sa Asia’s Songbird, hindi naman nangangahulugang tuluyan na niyang tatalikuran ang career na minahal at inalagaan niya sa loob ng mahigit apat na dekada.

“I guess I don’t have to completely stop.

“Sabi ng asawa ko, ‘Retirement means hindi ka kailangan totally tumigil. You just have to free yourself of the pressure.'”

Malamang ay ang pagbyahe ang isa sa pagkakaalabahan ni Regine at ng mister niyang si Ogie Alcasidkapag retired na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Nicole Sonora Sheryl Cruz Boy Abunda Rams David

Anak ni Sheryl na si Nicole papasukin na rin pag-aartista 

MA at PAni Rommel Placente DAHIL artista ang kanyang inang si Sheryl Cruz at mula sila sa …

Lance Carr Harana

Lance Carr nagpaliwanag sa viral Harana video

I-FLEXni Jun Nardo UMINGAY ang pangalan ni Lance Carr nang mag-viral ang pagkanta ng awiting Harana sa mga candidate …

Kiray Celis

Kiray inamin mas malaki kita sa live selling

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO si Kiray Celis na mas malaki ang kinikita niya sa live selling kaya …

Barbie Imperial Annabelle Rama

Nagkikislapang alahas ni Barbie bigay ni Annabelle

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI itinanggi ni Barbie Imperial na ang makikinang na suot-suot niyang alahas sa …

Richard Gutierrezsa Barbie Imperial Blood vs Duty Gerald Anderson Bela Padilla Baron Geisler

Richard matagal nang gustong makatrabaho si Barbie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “I’VE been wanting to work with Barbie.” Ito ang walang kagatol-gatol na …