RATED R
ni Rommel Gonzales
MASAYA si Paolo Contis dahil reunited sila ng matalik niyang kaibigan na si Dingdong Dantes sa upcoming GMA action series na Master Cutter.
Ayon pa kay Paolo na hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto at makasama muli ang Kapuso Primetime King.
“Finally. Matagal kaming nagpahinga sa primetime. I was doing movies for the past year, a year and a half. So ngayon nagkaroon ng pagkakataon makatrabaho si Mr. Dantes, so of course, you grab the chance,” saad ni Paolo.
Kontrabida si Paolo sa nabanggit na proyekto na pagbibidahan ni Dingdong.
“Na-miss ko ‘yung pagiging kontrabida actually.
“For longest time, ako ang nagbi-villain kay Dingdong sa ‘Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang,’ ‘Alyas Robin Hood’.
“Actually nagti-training kami ni Dingdong. Sabi namin, ‘ang tanda na natin, bakit ba natin ginagawa ito?’ “ at tumawa si Paolo.
“I’m very confident na maaksidente man ako sa kanya, maaksidente man niya ako, walang initan ng ulo.”
Kasama rin dito sina Max Collins, Kapuso child star Sienna Steves, Rio Locsin, Tonton Gutierrez, Jo Berry, Max Eigenmann, Ketchup Eusebio, at Polo Ravales pati na ang mga Sparkle star na sina Shuvee Etrata, Anthony Constantino, Prince Carlos, at Charlie Fleming.
Mapapanood ito sa Netflix simula April 17, at sa Mayo naman magsisimula sa GMA Primetime.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com